Cons
Parang binibiyak ang ulo ko nang imulat ko ang mga mata ko.
Tngna.. ang sakit ng ulo ko..
Bumangon ako at sinabunutan ang buhok ko. Bakit ganito kasakit ang ulo ko?
Tumingin ako sa paligid at natigilan ng hindi pamilyar na kwarto ang nabungaran ko.
Teka.. asan ako..??
Inalala ko kung anong nangyari. Ang natatandaan ko lang lumaklak ako ng isang bote ng Cuervo tsaka isang bote ng Jager tapos si Axel. Magkasama kami sa iisang kwarto dahil sa isang game.
Mabilis kong chineck ang sarili ko pero nakahinga naman ako nang makitang iyon pa rin ang suot ko. Imposibleng may mangyari. Hindi naman ganoong tao si Axel.
Ibinaba ko ang mga paa ko sa edge ng kama pero hindi ko matuloy ang pagtayo dahil medyo hilo pa rin ako.
"Tngna.. mukhang malakas ang hangover ko.. gusto ko tuloy ng mainit na sabaw.."
Napatingin ako sa cr nang bumukas ang pinto nun. Nanlaki naman ang mga mata ko nang marealize kung sinong lumabas mula doon.
"You're awake na.." Ngumiti siya sa akin. "Are you okay?"
Feeling ko biglang umikot ang sikmura ko kaya naman agad akong tumayo at pumunta sa banyo. Natabig ko pa nga si Pro sa pagmamadali ko. Buti na lang nakaabot ako sa inidoro.
Suka ako ng suka dun hanggang sa maramdaman kong may humahagod sa likuran ko. Ang sama sa pakiramdam kasi pakiramdam ko pati bituka ko maisusuka ko na.
"Here.." Inabutan niya ako ng tissue. Nanatili akong nakasalampak sa harapan ng inidoro. Kagigising ko lang pero lambot na lambot na agad ako.
"Drink this.." Inabutan naman niya ako ng bottle of water. Tahimik kong kinuha yun sa kanya at inubos para lang mawala ang masamang lasa sa bibig ko.
"You're okay na?" Tanong niya matapos kong maubos ang tubig.
Umiling ako. "Tngna.. ang sama pa rin ng pakiramdam ko.." Para talagang binibiyak ang ulo ko at sinisikmura ako.
"I'm sorry, Cons.."
Nilingon ko siya. Saka ko napansin na nakasalampak din pala siya sa tabi ko. Nakasandal siya sa may pintuan.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Bakit siya nagsosorry?
"Sorry if I ignored you.. sorry for being so coward and stupid kaya I never asked you about the issue.." Nakatingin lang siya sa sahig habang sinasabi ang mga yun.
Shemay.. eto na ba yung hinihintay kong paguusap namin?? Pero bakit siya nagsosorry.. hindi naman niya kelangang magsorry sa akin.. kung may dapat mang magsorry, ako yun..
"I know I've been a jerk! Naniwala agad ako sa mga sinabi ng iba.. I admit na nauna yung emotions ko.. Nagalit ako.. I felt betrayed.." Huminga siya ng malalim. Naumid naman ang dila ko sa mga sinasabi niya, sobrang transparent niya and I can see na totoo ang lahat ng mga sinasabi niya.
"I told you I like you and I'm starting to court you tapos biglang may lalabas na ganun.. I'm not saying this para ijustify yung mga nagawa but I just want you to know bakit nagawa ko yun.. I want to be honest with you, Cons.."
Sumasabay sa sakit ng ulo ko at pangangasim ng sikmura ko ang malakas na pintig ng puso ko. Sabay sabay tuloy sumasakit ang mga yun pero lamang ang pagsakit ng puso ko.
Nasaktan ko nga si Pro.
"Sorry talaga Cons.. I hope you can forgive me.." Doon siya tumingin sa akin at lalong sumasakit ang puso ko dahil sa sobrang lungkot ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...