Pro
"Pro." Hindi ako natuloy sa pagbaba sa sasakyan. Nilingon ko si Kuya Atlas. Siya kasi ang naghatid sa akin dahil on the way naman ang Arend sa ospital. Ayoko rin namang hintayin si Oly dahil malelate ako.
"Why?"
"Ginagawa mo ba ang sinabi ko sayo? Are you kind na ba kay Cons?" Automatic na nagsalubong ang mga kilay ko ng marinig ang pangalan ng babaeng yun. Hindi ako sumagot. "You know naman why I'm asking you to that di ba?" Nanatili akong tahimik.
Oo alam ko naman. Aware ako na masama ang ugali ko towards women. Naiintindihan ko naman na gusto lang ni kuya na maging maayos ang attitude ko lalo na at tingin ng mga kapatid ko na good person ang Cons na yun.
"That is for your own good para makalet go ka na sa past." Umigting ang mga panga ko ng mabanggit niya yun. "Pro." Untag niya sa akin dahil nanatili akong tahimik.
"Don't worry kuya, I'm trying my best para maging mabait sa babaeng yun but can you please not mention anything about my past." Seryoso kong wika. Hindi naman siya agad nakasagot sa akin. Bumaba na lang ako ng sasakyan. Naglakad na ako palayo at hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.
I shouldn't have said that.. pati si kuya napagbubuntungan ko.. hayss..
"Barbie boy!" Hindi ako huminto sa paglalakad. Kahit hindi ko siya lingunin alam ko na kung sino ang tumawag sa akin. Seriously?? Agang aga bwibiwisitin niya ako?? Akala ba niya nakalimutan ko na ang ginawa niya kahapon?? Kung talaga kayang saktan ko na ang bulinggit na ito!
"Bingi ka?" Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Nasa tabihan ko na siya, hindi ko naman siya pinapansin. "Huy! Sige ka, may mga spies everywhere." Inis akong lumingon sa kanya.
"What do you want??" Medyo lumayo ako sa kanya, ayoko ngang malapit siya sa akin. Ipinakita na naman niya sa akin ang nakakainis niyang smirk pagkatapos ay may kinuha ito sa kanyang bag.
"O." May iniabot siya sa aking libro. Hindi ko naman iyon kinukuha.
"Anong gagawin ko dyan?"
"Ano bang ginagawa sa libro?" Tanong-sagot niya sa akin. I glared at her but she's just looking at me as if she's not affected with my anger.
Napakapilosopo!
"Ngalay na ako." Labag sa loob na kinuha ko ang libro. Tiningnan ko yun. The Social Animal ang title.
"Basahin mo yan tapos andyan na din ang mga questions na kailangan mong sagutin!" Napamaang ako sa sinabi niya.
"What??"
"Kukunin ko yan sayo before 10:30 mamaya. Hintayin mo na lang ako sa labas ng Gonzalvo Hall ha?" Magpoprotest pa sana ako pero inunahan na niya ako.
"Pili ka, sasamahan mo ako ngayon o gagawin mo yan?" Binigyan niya ako ng option kung saan parehas namang ayaw kong piliin.
"Ano??" Ayan na naman siya sa ano niya! Tss! Sarap ibato nitong book sa kanya.
"Oo na! May magagawa pa ba ako??" She smirked again.
"Good! See you later, barbie boy~" Tinalikuran na niya ako at iniwan. Inamba kong babatuhin siya ng libro pero hindi ko yun naituloy. I sighed in exasperation at inis na tiningnan ang hawak na libro.
Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag pero sige gagawin ko na lang ito. Baka mamaya ay makapagsumbong pa siya kay kuya Atlas. Dumiretso muna ako sa library tutal maaga pa naman at may time pa ako para dito.
Hayyy.. kahit magreklamo ako dito, wala na naman ding mangyayari. Andito na e! Pumayag na ako sa gusto niya. Kung pwede lang sanang ifast forward ang mga araw, nagawa ko na. Para matapos na ang mga araw na kailangan kong maging mabait sa kanya!
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomansaSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...