C&P13

74 7 3
                                    

Pro

Andito na naman sa harapan ko ang bestfriend ni psycho. Hindi ko na naman sana siya papansinin pero iniaabot niya sa akin ngayon ang isang lunchbox.

"Pro, pinaggawa ka ulit ni Tito Noah ng lunch!" Nakangiti nitong wika sa akin. Akala ko hindi ko na ulit matitikman ang luto ng Papsie ni psycho kaya naman naexcite ako ng malamang pinaggawa niya ulit ako ng lunch.

"Really?" Mas ayos sana kung si psycho na lang ang magbigay nito sa akin.

Tumango yung babae.

"Hindi naman na kailangang gawin ito ni Tito Noah—"

"Masaya si Tito na ipagluto ka niya ng lunch kaya sana hindi mo ito tanggihan.." Para namang may humaplos sa puso ko ng sabihin niya yun. "Don't worry, Pro wala man ng pakielam sayo si Cons, ako ng bahalang mag-abot sayo ng lunch mo from Tito Noah!" Mabilis na umasim ang pakiramdam ko ng marinig na wala ng pakielam sa akin ang psycho na yun.

"Sige Pro.. kukunin ko na lang later yung lunchbox!" at umalis na siya.

"Sana ol, pinaggagawa ng lunch!" wika ni Rowan ng makaalis ang babae. Hindi ko na lang ito pinansin at pumunta na ako sa table namin.

"Oorder ka pa ba?" Tanong ni Clay. Umiling ako.

"Okay na sa akin ito." Tumango naman si Clay at inaya na si Rowan.

Nakatingin lang ako sa lunchbox. Pwede ko namang hindi na tanggapin ito pero hindi ko magawa. Ilang beses ko pa lang naman natitikman ang mga luto ng Papsie ni psycho pero parang nagiging paborito na siya ng taste buds ko.

Siguro dahil matagal na rin yung huling experience ko na makatikim ng luto ng isang magulang.

Excited kong binuksan ang lunchbox at nagningning yung mga mata ko ng makita ang napakagandang pagkakaayos ng mga pagkain.

Sino bang makakatanggi dito?

"Hey! Hey! Hey! Penge naman nyan!"

Mabilis kong inilayo kay Rowan ang pagkain ko. Sumimangot naman ito.

"Ang damot mo!" Hindi ko siya pinansin.

"Mukhang masarap yan ah!" ani Clay matapos niyang ayusin ang mga inorder nila sa table.

Nilunok ko ang nginunguya ko at saka tumango.

"Patikim naman!" Nagtangka si Rowan na kumuha sa pagkain ko pero itinago ko yun mula sa kanya.

"Ayoko nga! May pagkain ka, yun ang kainin mo! This is mine!" Lalong sumimangot si Rowan sa sinabi ko.

"Tss!" Hindi naman na nangulit ito.

"Who's that girl, Pro? Siya rin yung nagbigay sayo ng lunchbox kahapon, di ba?" Clay asked.

"I don't know." Kibit-balikat kong sagot.

"Huh? Hindi mo kilala? Pero tinanggap mo yan?? Wow! Nagbagong-buhay ka na ba? Hindi ka na woman hater?" Sunod-sunod na tanong ni Rowan. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumahimik naman ito.

"Hindi naman kasi siya ang gumawa nito. Tito Noah cooked this for me," explain ko. Nagtaka naman sila sa sinabi ko.

"Sino yun?" Tanong ni Rowan.

"Papsie ni psycho." Sabay subo. Muli silang nagtaka sa sinagot ko. "Dad ni Cons." Mataman nila akong tiningnan tapos ay saka sila nagtinginang dalawa.

"Cons? Yung Cons Sta. Maria? Yung naissue sayo before?"

"Yung iinterviewhin ka sana dati?" Magkasunod nilang tanong. Tumango lang ako.

"E di hindi pa rin kayo break??"

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon