Pro
"Hey, lover boy!" Tinapik ako ni Rowan nang maabutan niya akong naglalakad papunta sa building namin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo man lang sinasabi sa amin na may girlfriend ka na palang gago ka!" Ngumisi itopero hindi ko siya pinansin. "Ipakilala mo naman ako dun sa girlfriend mo, para kang hindi kaibigan ah!"
"Pwede ba Rowan tumahimik ka dyan!" Singhal ko sa kanya.
"Bakit ba? Hindi ko naman aagawin sayo yung girlfriend mo e!" Nagpapanting ang tenga ko sa tuwing binabanggit niya ang girlfriend.
"Wala akong girlfriend so please shut up!"
"Weh?" Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko ang isang ito dahil nakakabwisit siya. "E ano yung nasa tweet? Ang sweet mo pa nga kasi pinagdala mo siya ng bag niya. Ayieeee~" siniko pa niya ako. I just looked at him boringly. "Muli na bang nagbubukas ang bato mong puso??" Halos masuka ako sa sinabi nito pero kung papatulan ko ito, mas hahaba lang ang walang kwentang sinasabi niya.
"If I were you, poproblemahin ko na lang ay ang pagdadissect ng aso later." Effective naman ang binuksan kong topic dahil bigla itong tumahimik at sumama ang timpla ng mukha.
"Pre, parang bigla sumama ang pakiramdam ko. Gusto ko atang umabsent today.." Hinawakan pa niya ako sa balikat at hindi maipinta ang mukha nito.
"Seryoso, aabsent ka?" Nginisian ko siya tapos ay nagkibit-balikat. "Ikaw, kung gusto mong mag-one on one kayo ni Sir Bernal sa pagdadissect ng aso e." Lalo siyang namutla.
"Bakit naman kasi kelangang magdissect pa tayo???" Pagmamaktol nito.
"Sorry to say pero part ng pagiging veterinary, boi!"
"Tss! Kaasar naman!" Nakasimangot na siya n'yan. Fact about Rowan – he hates dissecting kasi madaling bumaliktad ang sikmura niya kapag nakakakita ng dugo.
"Clay!" tawag ni Rowan ng mapansin namin ito. Lumingon naman ito sa amin at hinintay niya kaming makalapit.
"Where have you been?" Tanong ko at sinulyapan kung san siya nanggaling.
"May sinaglit lang ako sa library."
"Aga natin sa lib ah?" Komento ni Rowan.
"Ha? Ano kasi may sinoli lang akong libro." Tumango na lamang ako sa naging sagot niya. Sabay-sabay na kaming pumunta sa Gonzalvo Hall.
My whole attention was on this lifeless dog in front of me. Kami ni Clay ang magkapartner dito. Tiningnan ko siya at tumango sa akin. Giving me a signal na pwede na akong magsimula.
Hawak ang scalpel ay sinimulan kong hiwain ang tyan ng hayop. Unang hiwa ko pa lang pero may lumabas ng dugo. Fortunately, hindi ako katulad ni Rowan. Ayos lang sa akin ang mga bagay na ito.
Natigil ako sa ginagawa ng marinig ang pagduwal ni Rowan. Tiningnan namin siya ni Clay. Namumutla na ito at pinipigilan nito ang sariling masuka. Hindi nga ito makatingin sa ginagawa ng kapartner niya pero hindi na nito napigilan ang magsuka ng tuluyang makita ang napakaraming dugo.
"Sevilla!" sigaw ni Sir Bernal. Nakatingin na tuloy kaming lahat sa kanya. Napapailing ako kay Rowan. Hindi siya matigil sa pagsusuka dun. Nilapitan na siya ni Clay at hinagod ang likuran nito. Nilapitan na din sila ni Sir Bernal. Paniguradong mas lalong mababadshot itong si Rowan kay Sir.
"Ano ba yan, Sevilla??"
"Sir, pasensya na po masama po ang pakiramdam ni Rowan.." explain ni Clay.
"Tss! Linisin nyo ang kalat na yan!" Sigaw pa rin nito.
"Yes, Sir.." Tumingin sa akin si Clay at sinenyasan akong lumapit.
"Sir, dadalhin lang po ni Pro si Rowan sa Infirmary? Ayos lang po ba?" Nilingon ako ni Sir Bernal.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
DragosteSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...