C&P36

59 11 3
                                    

Cons

Kasamahan pala ni Pro dati sa basketball itong si Haru Yoon nung highschool. Siya yung pinakiusapan ni Pro para makapasok kami sa Ateneo pero may kapalit. He invited us to his birthday. Akala ko nga kakain lang pero inaya niya kami sa isang bar.

"Huy, hindi ako pwedeng uminom.." bulong ko kay Pro habang papasok kami sa bar.

"Don't worry, I'll tell him. Order na lang kita ng juice."

"Iinom ka?"

"Konti lang."

Tumango ako. Basta wag lang siyang papakalasing dahil mahihirapan akong iangkas siya.

Tumingin ako sa paligid nang makapasok kami. Hindi isang normal na bar ang pinasukan namin. Napakaganda ng lugar. Mga rich kid lang ata ang nakakapasok dito.

"Shit! Is that you, Pro??" Napatingin ako sa lalakeng nagsalita. May nilapitan kaming table at may mga tao na dun. Tatlong lalake.

Nakatayo yung mga lalake at nagbrotherhood shakehands din sila. Mukhang naging mini-reunion itong pagpunta namin dito.

"Bro! I'm so shocked! It's been ages since we last saw you! Buti naisipan mong bumisita ha?"

Hindi naman nagsalita si Pro.

"Sino namang bibisitahin niya dito? You? That will never happen, bro!"

Nagpapalit-palit lang ang mga tingin ko sa kanila. Halos lahat sila mukhang RK tapos puro conyos pa. Feeling ko, nagkagebunshin technique si Pro.

Napansin nila ako.

"You're with someone pala. Girlfriend mo, bro?" Nagulat ako ng itanong nila yun.

Mabilis naman akong umiling.

"Hindi! Kaibigan niya lang ako!" Nagkatinginan pa sila sa sinabi ko.

"Oh! I'm sorry! I'm Peter, sila naman si Luke and si Mikael!" Nagpakilala sila sa akin.

"Cons." Tinanggap ko ang pakikipagshakehands nila.

"Let's sit." Wika ni Pro kaya napabitaw na ako kay Mikael. Nagbigay siya sa akin ng space kaya dun ako umupo sa tabi niya.

"Sana sinama mo si Rowan." Sabi nung Luke.

"He's busy. " Sagot naman ni Pro. Kilala din nila si Rowan? Baka magkakaibigan sila.

May dumating na mga bagong alak. Ang dami nun, mukhang magpapakalasing talaga sila.

"You're into baseball right now?" Tanong ni Haru, the birthday boy.

"Sinamahan ko siya. Varsity siya ng Men's Baseball Team ng Arend." Sagot naman ni Pro. Beer ang kinuha nito.

Sabay na tumingin sa akin ang tatlo. Bigla naman akong nailang. Hindi naman kailangang sabihin pa ni Pro ang tungkol dun.

"Men's Baseball Team?? Really??" Hindi naman makapaniwala si Luke. Awkward akong tumango. "Wow.. I thought sa ibang bansa lang nangyayari ang mga ganyan. Here din pala sa Philippines."

"What's your position?" Tanong naman ni Mikael.

"Umm.. pitcher.."

"Really??" Sabay pa sila Luke at Mikael dun.

"Mind you she's not an average pitcher. Kayang kaya niyang magpastrikeout three times a row." Napatingin ako kay Pro. Sisitahin ko sana siya kasi hindi naman niya yun kelangang sabihin pero hindi ko nagawa. I can see na parang proud siya sa mga sinabi niya.

"Wow! That's sick! So you're a great player?" Si Haru.

"Yes bro, she's legit!" Si Pro na naman ang sumagot.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon