C&P12

60 6 0
                                    

Cons

"Nakatulog ka pa ba ng lagay na yan 'nak?" Tanong ni Paps matapos niyang buksan ang gate. Inistart ko ang motor at pinaandar iyon. Tumigil ako sa tapat niya.

"Oo naman Paps! Nakatulog ako ng mga tatlong oras!" Kinuha ko sa kanya ang helmet ko. Nakita kong nag-alala na naman ito sa akin. "Don't worry Paps, okay? Nakakatulog naman ako sa school kaya nababawi ko!" Bumuntong-hininga siya.

"Bakit kasi ngayon pa kayo nagkaron ng practice game, kung kelan may part-time job ka?" Ngumiti ako sa kanya.

"At least dumating na yung pinakahihintay ko Paps! Makakapaglaro na ako sa wakas, hindi na lang ako tambay sa dugout!" Naeexcite kong wika. Muling bumuntong-hininga si Paps pero ngumiti din siya pagkatapos.

"Kahit practice game lang yun anak, manunuod ako!"

"Aasahan talaga kita dun Papsie! Makikita mo na akong nakatayo sa mound! Ang nag-iisang babaeng pitcher ng Arend!" Ngiting-ngiti ako habang naiimagine ang sariling nakatayo sa mound. Naexcite na din si Papsie para sa akin.

"Masaya ako para sayo, Constance!"

"Salamat, Paps!" Hinalikan ko na siya sa kanyang pisngi at isinuot ang aking helmet.

"Ingat ka 'nak!" Nag-okay sign ako sa kanya at ibinaba na ang salamin ng helmet. Bumusina ako ng dalawang beses at saka umalis.

Tinotoo ko ang sinabi ko kay Hart na ala-sais pa lang ay andito na ako sa Arend at ako ang unang nakarating dito. Kaya naman nagsimula na akong magwarm-up. 10minutes na akong nagwawarm-up ng dumating si Hart.

"Aba nga naman! 6am ka talaga dumating?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

"Oo naman! Kapag sinabi ko, ginagawa ko!" Nagsimula na ding magwarm-up si Hart. Hinintay ko siya at pagkatapos ay sabay kaming tumakbo sa field ng dalawang lap.

Narito ngayon si Coach para icheck ang ginagawa naming pagpapractice. Iba iba ang ginagawa namin depende sa postion namin. Kaya ang pinapractice ko ngayon ay pitching kasama si Hart.

Isang oras kaming nagpapractice at after nun ay grinupo kami sa dalawa upang maglaban. Magkakampi kami ni Hart at sa kasamaang palad, asa grupo din namin si Xavier kaya siguradong wala na akong pag-asang maging pitcher.

Ang Baseball Team ay may 23 student athletes. May tig-sampu sa bawat grupo at ang tatlong natitira ay naging umpire.

Kami ang nasa batting team at si Eric ang starting pitcher ng kabilang team. Dahil 9 batters or hitters lang ang kailangan, may isa sa grupo namin ang hindi makakalaro. Buti na lang at parehas kami ni Hart na isa sa mga hitter. Pang 6th hitter ako at si Hart naman ang pang 9th.

May batting order or line up na tinatawag. Ito ang line up ng grupo namin.

1 Batter with highest on-base percentage - Captain Gavin

2 Power hitter with some speed on bases - Julian

3 Strongest player on the team - Apollo

4 Second strongest player on the team - Bruce

5 Well-rounded player - Dash

6 Average hitter - Ako

7 Below average hitter - Daniel

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon