C&P18

69 9 3
                                    

Pro

Inaya kami ni Rowan dito sa gym after iannounce na matitigil ang laro due to heavy rain. Ewan ko dito sa gagong ito kung saan niya nalaman na pupunta sa gym ang dalawang baseball team.

Ayoko sanang sumama pero mapilit siya. Kailangan daw niya ng moral support kapag nakipagkilala kila psycho at number 22. Sumama si Clay kaya sumama na rin ako. I have nothing to do na rin naman e kasi wala ngang klase ngayong araw.

Umalis naman na si kuya at Tito Noah habang sila Oly at Astrid ay may ibang pinuntahan.

"Asan na kaya ang mga baby ko??" Tanong pa ni Rowan habang palinga-linga siya sa gym. Medyo madami na ring tao ang andito.

"Mga baby mo talaga??" Natatawang tanong ni Clay.

"Of course! Sana noon ko pa nalaman ang tungkol sa kanila e di sana matagal ko na silang kilala!"

"Alam mo Rowan, hindi ka papansinin ng mga yun no? Sa baseball lang nakafocus ang taong yun— yung mga yun."

"Papansinin ako ng mga yun no? Sa gwapo kong ito tsaka I'm sure they cannot resist my charm!" Tumaas-taas pa ang kilay ni Rowan.

"Charm? Mukha mo pito! Ni hindi ka nga pinapansin ni Oly e sila pa ba??" Pang-aasar ni Clay. Nagsalubong naman ang kilay ni Rowan.

"Paano akong papansinin nun e sobrang makabakod nitong bwisit na 'to sa kapatid niya!" Binatukan ko si Rowan ng duruin pa niya ako at tawaging bwisit.

"Aray naman!"

"Asang pansinin ka pa ng kapatid ko! Lakas ng loob mong tumawag ng baby sa ibang babae habang kasama mo ang kapatid ko! Wala ka na talagang pag-asa dun!"

Natigilan naman si Rowan.

"Hindi naman ako seryoso dun oy!" Depensa nito.

"Bahala ka sa buhay mo! Baby Cons at baby Hartley pa more!"

"Pro naman! Joke lang yun e! Alam mo naman—"

"Shut up!" Inikutan ko lang siya ng mga mata.

"Tss! Pasalamat ka talaga at kaibigan kita!"

"Whatever." Hindi ko na siya pinatulan.

Inambaan pa niya ako ng suntok pero tinulak ko lang siya sa noo niya. Natawa lang si Clay. Sa aming tatlo kasi, si Rowan ang pinakamaliit. Hehehe. 5'9 lang siya, samantalang si Clay 5'11 tapos ako 6'. O di ba, nanliliit siya sa amin? Hahaha!

Natigil kami sa pagaasaran ng umingay sa buong gym. Nakita kong pumasok na yung dalawang team. Hindi naman magkamayaw yung fans nung Fontanilla. Panay ang chant sa pangalan nito. Actually, sila yung pinakamaingay.

Hinanap ko si psycho pero hindi ko siya makita.

"Nyeta naman o! Bakit ba ang daming tao dito??" Reklamo ni Rowan. Hindi kasi niya makita yung mga bagong dating. Kaya ang ginawa nito ay sumiksik sa mga tao sa unahan niya. Hinayaan na lang namin siya ni Clay. Hinanap ko ulit si psycho pero wala talaga ito.

Saan kaya yung babaeng yun..?

Nag-usap usap pa yung dalawang team. Wala naman akong interes sa kanila kaya umalis na lang ako. Ang dami rin kasing babae though hindi naman sila malapit sa akin, ang sakit lang sa tenga ng hiyawan nila.

Hindi ko na sinabi kay Clay na umalis ako, mukhang may hinahanap din kasi siya e.

Makapunta na lang sa cafeteria.. bigla akong ginutom..

Lumabas na ako ng gym. Buti wala ng tao at hindi na rin nakakabingi ang ingay. Binaybay ko yung gilid ng gym, dun ako dadaan sa may hallway para hindi ako mabasa ng ulan. Malakas pa rin kasi ang buhos ng ulan.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon