Cons
"Bessie!"
Nilingon ko si Astrid nang tawagin niya ako.
"You're spacing out! Kanina pa kitang kinakausap."
Kanina pa ba niya akong kinakausap? Tumingin ako sa unahan at wala na pala ang prof namin.
"Puro baseball na naman siguro ang nasa isip mo!"
Muli akong tumingin sa kanya at tumawa ng alanganin.
"Hay naku, Constance! Basta baseball ang nasa isip mo, hindi mo ako pinapansin!" Sinimangutan niya ako.
"Sorry na.. hehehe.." Hingi ko ng sorry sa kanya. Hahawakan ko pa sana siya sa braso niya pero lumayo siya sa akin.
"Kay Zoey na nga lang ako makikipagkwentuhan! Lagi ko na lang kahati ang baseball sayo!" Inirapan niya ako at umalis sa tabi ko.
Kung sakaling malalaman mo na hindi baseball ang nasa isip ko, sigurado akong mas magagalit ka sa akin..
Huminga ako ng malalim at saka tumayo para lumabas ng classroom. Muli ko na namang naalala kung anong nangyari kahapon.
Flashback
Mabilis akong nagpaalam sa kanila ng sabihin ni Pro na uulan na. Ayokong abutin ng ulan kasi nakamotor ako. Mababasa ako panigurado. Tapos medyo malayo pa naman ang napagparkan ko sa motor ko. Dali-dali kong hinanap ang susi ng makalapit ako sa sasakyan ko. Kung kelan naman ako nagmamadali, saka hindi nagpapakita sa akin ang susi.
Buti na lang nakita ko din agad ang susi bago ko maibuhos ang laman ng bag ko sa semento. Lumapit ako sa GIVI box para kunin ang helmet ko. Nararamdaman ko na ang pagpatak ng ulan.
Taragis! Papaharurutin ko tuloy si Bagwis para makau—
Hindi ko natuloy ang pagbubukas sa box dahil biglang sumulpot sa tabi ko si Pro at saktong bumuhos ang malakas na ulan.
"Pro!" Gulat akong nakatingin ngayon sa kanya.
Anong ginagawa niya dito..?
Humihingal siyang nakatingin sa akin.
"Baka kasi you'll get sick kapag naulanan ka kaya.. here's the umbrella.."
Dugdugdugdugdug
Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang lapit niya ngayon sa akin at hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa mga mata niya.
Sobrang ganda talaga ng mga mata niya..
Lalo kaming napalapit sa isa't isa nang lalong lumakas ang ulan.
"Umalis muna tayo dito, mababasa tayo!" wika pa niya.
Wala sa sariling tumango lang ako at kinuha ang susi sa box at muli itong nilock. Tumakbo kami ni Pro pabalik sa resto. Hindi tumitigil ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakaakbay siya sa akin upang hindi ako mabasa ng ulan.
Nakarating na kami sa resto. Hindi na kami pumasok sa loob dahil may bubong naman ang harapan nito.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang sumulpot sa tabi ko kanina. Bakit niya ako dinalhan ng payong?
Hindi ko naman napigilang kiligin nang maalala ang eksena namin kanina.
Nilingon ko siya at saktong kumidlat at kumulog. Nakita ko kung paano siya pumikit. Naalala kong may phobia nga pala siya sa ganitong panahon.
Huminga siya ng malalim at mukhang pinapakalma niya ang kanyang sarili.
"Asan sila Clay?" Tanong ko para madivert ang attention nito.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...