C&P37

56 7 1
                                    

Cons

"Paps." Ipinatong ko sa lababo ang pinagkainan ko. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng pinggan.

"Yes, anak?" Nilingon niya ako.

"Pwede mo ba akong turuang magluto ng sinigang na baboy?" Ginawa ko ang best ko para maging chill at natural lang pero ang totoo nyan kinakabahan ako. Ewan ko ba kung bakit ako kabado, magpapaturo lang naman akong magluto.

Tumigil si Papsie sa ginagawa at humarap ng ayos sa akin.

"At bakit naman?"

Ngumisi ako. "Wala lang. Gusto ko lang matuto." Tinalikuran ko siya. Ayokong makita niya na kabado ako, baka mahalata niya na may rason talaga kaya ako nagpapaturo sa kanya.

"Sinong ipagluluto mo ha??" Natigilan ako sa sunod niyang tanong.

"Ha?? Ipagluluto?? Wala ah! Gusto ko lang matuto! You know para naman may madagdag sa skills ko! At kung may ipagluluto man ako, ikaw yun syempre Paps!" Kinuha ko ang bag ko. "Turuan mo po ako ha? Sige na, Paps!" Mabilis akong lumapit sa kanya at mabilis ko rin siyang hinalikan sa pisngi niya.

"Bye!" Hindi ko na siya hinintay na magtanong pa. Umeskapo na ako agad.

Akala ko naman kasi nakalimutan na ni Pro yung pangako ko sa kanya na ipagluluto ko siya, hindi pa pala. Ipinaalala niya yun sa akin kagabi at dahil matagal daw napending yun, binigyan na lang niya ako ng 5 days para maaral ang gusto niyang putahe.

Sa Friday daw, gusto niyang lunch ay sinigang na baboy na luto ko. Kaya no choice ako, need ko na talagang aralin yun.

Good luck, Cons sana makagawa ka ng masarap na sinigang na baboy para sa baby boy na yun.

Good luck to me.

"Our first official game is against East College at gaganapin yun dito sa Arend." Tapos na ang morning practice namin at ngayon ay may pameeting si Coach Soriano.

Naeexcite naman ako habang nakikinig. Ibig sabihin kami ang nasa depensa dahil kami ang home team.

Yeah boi! Official game na! Witwew!

"And this Wednesday na yun kaya we need to practice hanggang mamayang hapon para bukas ay pahinga na lang kayo."

"I'll announce the line-up!"

Napatayo ako ng ayos nang sabihin yun ni Coach. Though alam kong imposible na ilagay niya ako sa starting line-up, hindi ko pa rin mapigilang umasa.

Lahat naman siguro kami dito, nangangarap na makasama sa starters.

"For our first baseman, Bautista." Si Captain Gavin pa ba ang mawala sa starters??

"Second baseman, Morante." Si Julian yan, kanang kamay ni Captain.

"Third baseman, Luna." Ayown naman si Dash! Syempre hindi mawawala ang heartthrob ng Baseball Team.

"Shortstop, Ignacio." Our big boy, Apollo. Congrats, 'Lo!

"Left fielder, Marfil." Si Bruce na hindi ko kaclose. Sinulyapan ko siya at ramdam ko dito sa pwesto ko ang pagkabilib niya sa kanyang sarili.

"Center fielder, Brillantes." Si Aiden. Nakita ko pang nag-apir si Aiden at Dash.

"Right fielder, De Juan." Si Luigi. Nakakatuwa, yung mga kaclose ko dito sa team pasok sa line-up. Si Gid na lang ang hindi nababanggit pero panigurado namang mababanggit yan. Siya naman ang palaging starting catcher.

"Catcher, Andrade."

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Coach. Napatingin ako kay Hart na nasa tabi ko. Maging siya ay hindi makapaniwala.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon