C&P35

42 7 1
                                    

Cons

"Sa lugar kung saan bubusugin kita."

Halos lumabas ang puso ko sa rib cage ko matapos akong kindatan ni Pro.

Punyemas!! Bakit niya ako kinindatan?? Anong nangyayari?? Tsaka- tsaka-

Hindi ko pa rin lubos maisip kung anong ginagawa niya dito. Sobra akong nagulat ng bigla ko na lang siyang nakita kanina.

Buong akala ko kasi asa mansyon nila siya kasi andun nga si Astrid. Hindi ko maisip talaga ang dahilan bakit andito siya.

Paano si Astrid?

Pero hindi ko naman maitanggi sa sarili ko yung saya nang makita siya kanina. Parang biglang lumiwanag ang buong paligid ko. Parang biglang may mga nagsabog ng flowers sa paligid ni Pro nang makita ko siya.

Tapos binigyan pa niya ako ng pagkain kasi daw kailangan ko yun. Tngna! Bakit concern siya sa akin?? Bakit??

Tumigil kami sa harapan ng motor ko. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko at parang nasasanay na ako sa init ng palad niya pero syempre nagdudulot pa rin yun sa akin ng kiliti sa puso ko.

"Where's your helmet?" Tanong niya na nagpabalik sa katinuan ko.

Wala sa sariling itinuro ang helmet na nakasabit sa gilid ng motor ko.

"Hindi ba may bago kang helmet?? Where is it?? Binalik mo talaga sa gagong Axel na yun??" Sunod-sunod niyang tanong.

Naalala ko naman yung helmet na sinasabi niya.

"Oo! Binalik ko na!" Nainis siya pero hindi nakatakas sa akin na  nalungkot siya tapos ay nagsalubong na naman ang mga kilay niya.

"Hindi ko naman kelangang ng bagong helmet kasi meron na ako!"

"But your helmet is kinda damage na! Ang dami na nyang gasgas o!" Itinuro pa niya ang helmet ko. "You shouldn't give it back to him!"

"Wala akong pake!" Nagkibit-balikat ako. Hindi naman siya nagsalita pero nakasimangot siya.

"Bakit ba? Ano ba sayo? Sayo ba nanggaling yun para ipagpilitan sa akin na tanggapin yun ha??" I looked into his eyes at nakita ko kung paano siya nag-alinlangan. Nawala ang pagkasimangot niya at natahimik siya.

"Ano? Sagot!" Hamon ko sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin. "Ewan ko sayo! Bahala ka kung ayaw mo!" Binitawan niya ang kamay ko. Nabitin naman ako sa paghoholding hands namin pero hinayaan ko na lang.

"Let's go na!" Aya na lang niya sa akin. Saka ko napansin ang dala-dala niya. Inilabas niya dun ang isang black helmet at isinuot yun. Iyon yung binili niya dati.

"Hey psycho! Let's go na para makakain ka na!" Muli ko siyang tiningnan at saka napailing at kinuha na ang sarili kong helmet.

Bakit ba ayaw niyang sabihin sa akin na sa kanya galing yung helmet? Pwede naman niyang sabihin sa akin e. Minsan talaga ang gulo nitong kausap.

Itinuro niya sa akin kung saan ang pupuntahan namin. Umabot kami mismo sa Metro. Buti na lang nakajacket siya kasi masakit sa balat ang sikat ng araw.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Naglalakad na kami papasok sa isang magarang hotel. "Nangalay ka ba?" Hindi ko mapigilang mag-alala. Baka kasi hindi siya sanay sa long ride sa motor.

Nginitian niya ako. Parang tanga naman yung puso ko kasi naging abnormal na naman yun. Ngumiti lang siya sa akin pero parang aatakihin ako sa puso.

"Yeah. Don't worry, naenjoy ko yung byahe. Ganun pala yung feeling kapag sa motor nagtatravel."

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon