C&P48

62 8 2
                                    

Cons

Tulala lamang ako habang hinihintay na lumabas ang doctor sa ER. Nasa tabi ko si Manang Remedios.

"Manang, nakausap mo na po ba si Tita Beatrice?"

Umiling si Manang. "Hindi ko pa rin siya matawagan hanggang ngayon pero nagtext na ako sa kanya at sinabing andito sa ospital si Astrid.." Malungkot nitong sabi.

Napabuga ako ng hangin.

Mabilis akong tumayo nang makitang may doctor nang lumabas sa ER.

"Kapamilya po ba kayo ng pasyente?" Agad nitong tanong sa amin.

Tumango na lamang ako.

"Nasa ligtas na pong kalagayan ang pasyente." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. "Ililipat na lamang po namin siya sa isang private room. Sa ngayon po ay kailangan niya munang magpahinga at pagkatapos ay kailangan po nating ipatingin ang pasyente sa isang Psychologist." Muli na lamang akong tumango sa sinabi nito.

Nailipat na si Astrid sa isang private room. Mag-isa ko lang siyang binabantayan dahil umuwi muna si Manang upang kumuha ng gamit ni Astrid.

Awang awa ako sa kaibigan ko habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ang bagay na iyon, na kaya niyang kitlin ang sarili niyang buhay.

"Astrid, andito lang ako.." Wika ko kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig. Hindi ko binibitawan ang kamay niya.

Muling bumalik si Manang. Pinapauwi niya muna ako pero tumanggi ako. Hangga't wala dito ang Mommy niya, hindi ako aalis. Ayokong maramdaman ni Astrid na mag-isa lang siya.

Nagmessage na lang ako kay Papsie na kasama ko si Astrid at hindi muna ako makakauwi ngayong gabi.

"Kumain ka na muna, Cons." Binigyan ako ni Manang ng pagkain. Hindi na ako nakatanggi. Hindi na lang ako umalis ni Astrid habang kumakain.

"Nakausap nyo na po ba si Tita Beatrice?" Umiling na naman si Manang. Napabuga ako ng hangin. Asan kaya si Tita? Kailangang kailangan siya ngayon ni Astrid e..

Minabuti ko na lang din na itext si Tita.

Lumabas saglit si Manang dahil may bibilhin lang daw siya kaya ako na lang ulit mag-isa kasama si Astrid.

Pinagmamasdan ko ang kaibigan ko nang magvibrate ang phone ko. Nang icheck ko yun, tumatawag si Pro.

Hindi ko agad iyon sinagot. Nagdadalawang-isip ako. Nilingon ko si Astrid. Tulog pa rin siya kaya naman tumayo ako at saka pinindot ang accept button.

"Hello, Pro.."

"Hey.." Muli kong nilingon si Astrid at saka ako lumabas ng kwarto.

Huminga ako ng pagkalalim nang makalabas ako ng kwarto.

"What's wrong? May problema ba?" Mukhang natunugan agad niyang may problema ako.

"Andito ako sa ospital.."

"What!?" Nakarinig ako ng pagbagsak ng kung ano mang bagay. "Saang ospital?? What happened to you??"

"Okay lang ako, Pro.. hindi naman ako yung naospital."

"Where are you? Pupuntahan kita!"

"Wag na! Okay lang ako, promise! Hindi ako yung naospital!"

"Who is it then?"

"Si Astrid.." Muli akong bumuntong-hininga. Tumahimik sa kabilang linya.

"Is she okay?"

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon