Prologue

170 10 0
                                    

Narito ako ngayon sa Monty's Batting Cage. Ang kauna-unahang batting cage dito sa bayan namin. Medyo sumisikat na kasi ang baseball dito kaya naman mangilan-ngilan na din ang nagtayo ng batting cage dito. Pero syempre ito pa ding Monty's ang paborito ko.

Mag-iisang oras na din akong nagpapractice mag-isa dito. Ayoko pa din kasing umuwi sa bahay. Pinindot ko ang machine at sinet sa lowball ang pitch. Inikot-ikot ko pa ang aking braso para marelax. Nagready naman ako agad ng tumunog ang buzzer.

Mabilis na inilabas ng machine ang bola, asa 100mph. Satisfying ang pagkakatama ng bola sa bat ko. Sarap sa pakiramdam kapag nakakapagpalipad ng bola. Sunod sunod na nagpalabas ng bola ang machine, out of 10 pitches, walong bola ang nagawa kong paliparin.

Ibinaba ko ang bat at kinuha ang tubig ko. Magpapahinga lang ako ng 10minutes tapos magpapractice ulit ako.

Katatapos ko lang uminom ng may pumasok sa cage ko. Nagulat pa ako pero agad rin akong napangiti ng makilala kung sino.

"Hoy Nolan! Anong ginagawa mo dito?" Inabot ko sa kanya ang tubig ko dahil hingal na hingal siya. Ano kayang meron at hingal na hingal naman ito?

Hindi naman siya tumanggi at tinungga niya ang tubig sa bote. Halos maubos nga niya iyon. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. Siguro may tinatakasan itong gagong ito.

"Cons! Sumama ka sa akin! Kelangan namin ng tulong mo!" Nawala ang ngiti ko ng sabihin niya yun. Hindi man niya sabihin ang dahilan ng paghingi nito ng tulong ay alam ko na kung bakit ito bigla na lamang sumulpot sa harapan ko ngayon.

"Sorry, Cons kung aabalahin kita ngayon pero kailangan talaga namin ng tulong mo! H-hindi ko mahagilap ang iba!" Punong-puno ng pag-aalala ang boses at itsura niya.

Ilang segundo lang rin akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Oras kasi na sumama ako sa kanya, sisirain ko ang pangakong ginawa ko dalawang taon na ang nakakaraan. Pero kung hindi naman ako sasama sa kanya.. wala akong kwentang kaibigan.

"Saan?" Isang salita lang yun pero nakita kong parang lumiwanag ang mukha ni Nolan.

"Malapit lang dito! Tara, Cons! Baka hindi na nating maabutang buhay si Quin!" Hindi na niya ako hinintay at lumabas na siya ng cage. Agad rin naman akong sumunod sa kanya.

"Kuya Mons, pahiram muna nito!" Itinaas ko ang bat at pinakita ito sa lalakeng nasa harapan ng receiving area. Siya ang may-ari ng batting cage.

"Sure!" Sagot naman nito sa akin at tumakbo na ako palabas sa lugar na iyon. Mahigpit kong hinawakan ang baseball bat. Ngayon ko na lang ulit ito gagawin at sana maabutan naming buhay si Quin.


Tngna! Lima ang bumubugbog kay Quin! Nakabaluktot na nga ito sa lupa pero patuloy pa din nila itong sinisipa. Mabilis namang tumakbo si Nolan palapit sa mga ito. Naitulak nito ang mga iyon palayo kay Quin pero nasapak naman siya ng isa.

Tss!

Lumapit na ako sa kanila, hinawakan ko ng mahigpit ang hawak kong bat. Nakita kong sinapak na naman si Nolan. Tinapik ko sa balikat ang lalakeng sumapak dito. Pagharap nito sa akin, malakas ko siyang hinampas ng bat sa mukha nito.

Nagulat ang mga kasamahan nito ng makita ako pero agad din silang nakabawi. Sumugod sila sa akin pero nagawang pigilan ni Nolan ang isa kaya tatlo na lamang ang papasugod sa akin.

Iniwasan ko ang suntok ng isa at agad ko itong sinikmuraan gamit ang baseball bat. Umiwas ulit ako sa atake ng dalawa at magkasunod ko silang hinampas sa likuran. Napaluhod ang mga ito sa lakas ng pagkakahampas ko.

Pinaikot ko pa ang bat at ng lumapit ang sinikmuraan ko ay hinampas ko siya paitaas sa baba niya. Natigilan naman ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Yung lalakeng pinigilan ni Nolan kanina. Dahil sa ginawa niya ay nabitawan ko ang bat.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon