Pro
Nakailang batok ang nagawa ko kay Rowan kanina nung lumabas kami ng Hall.
Ang daldal kasi. Sisirain pa niya ang diskarte ko e.
Pinaalalahanan ko na lang siya na wag siyang magulo kapag kumain kami. Nangako naman siya pero tinatawanan pa rin niya ako.
"Nice! Buffet!" Masayang wika ni Rowan. Dito ko sila ililibre para makakain ng marami si Cons. Nung last time na dinala ko siya dito, naenjoy talaga niya.
"Iba talaga ang in love-" Mabilis kong hinampas ang lalamunan niya.
Nagkandaubo ubo siya habang nanlalaki ang mga mata niya sa akin. Hindi siya makapaniwala na nagawa ko yun sa kanya.
"Let's go. Tigilan nyo na yan." Parehas kaming inakbayan ni Clay at lumakad na papasok upang makakuha ng table.
Nilingon ko si Cons. Kasabay nito ang bestfriend niya. Hindi naman niya siguro narinig ang sinabi ni Rowan.
"Pro, thank you dito!" Wika ni Dash. Fully settled na kami sa isang table at lahat ay may kinakain na. Malayo sa akin si Cons, gusto ko sana sa tabi ko siya pero paniguradong aasarin lang ako ni Rowan.
"No prob, dude." Nginitian ko siya.
"The food here is legit guys! Itry nyo lahat ha?" Ani Oly.
"Oo nga tapos libre pa kaya sulitin natin lahat ito!" Dagdag naman ni Rowan.
Sinulyapan ko si Cons. Napansin kong medyo tahimik ito at hindi ganoong karami ang pagkain niya unlike last time.
Bakit kaya? Wala ba siya sa mood kumain?
"Oy, Cons! Sulitin na daw natin ito, tamang tama kasi bukas na first game natin." Lahat kami ay tumingin kay Hart nang magsalita ito.
"Bukas na first game nyo??" Kay Cons ako nakatingin. Sinulyapan niya ako at tipid na tumawa. Kumamot pa siya sa pisngi niya at tumango.
"Ah, oo.." Tomorrow na pala ang first official game niya. So meaning, mahalaga ang araw bukas! Fvck! Bakit ngayon ko lang nalaman, dapat nakapaghanda ako!
"Omg! Where ang venue tsaka what time??" Tanong naman ni Oly. Mukhang pati ito excited.
"Sa Arend lang din and 10am ang game time." Si Dash ang sumagot.
"Omg! Omg! I'm gonna watch it! Hinding hindi ko palalagpasin yan!"
"Clay! Manonood din ako! Wag mo muna akong uutusan bukas!" CVM Week pa rin kasi namin bukas and alam ni Rowan na uutusan siya ni Clay for some errands.
"Oo na! Manonood din naman ako." Ngumiti si Clay at napansin kong sumulyap ito kay Hart.
"Ako rin! I'm gonna watch it! I told you naman di ba that I'm gonna watch all of your games!" Hindi ko na rin napigilang sabihin at sa wakas tumingin siya sa akin ng diretso. Kanina ko pa kasi napapansin ang pag-iwas niya sa akin after naming manggaling sa Infirmary.
"Ayieee-" Tumigil si Rowan kahit hindi ko siya pinapatigil. Nakita ko siyang sumimangot at tumingin kay Clay.
"Maglalaro na ba kayo?" Tanong ni Oly.
"Oo. Kasama na kami ni Cons sa starting players." Nagulat ako sa sinabi ni Hart. Bakit hindi niya sa akin naulit yun?? Kasama na rin pala siya sa starting players, makakapaglaro na siya sa wakas! Hindi na siya magstay lang sa dug-out. Siya pa mismo ang magsisimula ng game! Tomorrow is indeed an important day! I need to do something!
Tumayo si Oly at nilapitan sila Cons at Hart. Niyakap niya ang mga ito at nicongratulate. Gusto ko rin sanang yakapin si Cons pero kelangan kong pigilan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...