Cons
Lumapit muna sa akin ang mga teammates ko bago magsimula ang laro. Nakacover ang gloves namin sa mga bibig namin. Kasama sa rule ng baseball ang bagay na iyon. Kami kami lang ang dapat makaalam ng kung ano man ang paguusapan namin dito sa mound.
"Captain," wika ko.
"Finally, andito na rin kayong dalawa." Hindi ko man kita ang bibig niya alam kong nakangiti siya sa amin ni Hart.
"Pasensya na kung pinalitan ko si Gid," ani Hart.
"Ano ka ba, Hartley? Don't be sorry, okay? Alam namin na ikaw lang ang pinaka the best kabattery nitong si Cons!" si Dash at kahit may takip ang bibig nito, ngiting-ngiti rin ito dahil si Hart ang kausap nito.
"Seryoso talaga si Coach sa plano niyang ito?" Tanong naman ni Bruce. Ito lang ang naririto na hindi gusto ang idea na andito kami ni Hart.
"Coach knows what he's doing, Bruce. Ang kelangan nating gawin ngayon ay magtiwala sa plano niya and we also need to trust Cons and Hart sa kaya nilang gawin." Natouch naman ako ng sabihin iyon ni Captain. Natahimik tuloy si Bruce. Supalpal ka no? Tss!
"Gagawin namin lahat para matigil ang home run streak nila pero kung sakali mang may makalagpas sa amin, aasahan namin kayo!" Wika ni Hart. Sabay-sabay silang tumango sa amin pwera kay Bruce. Kaya naman lahat kami ay nakatingin sa kanya, no choice ay napatango na lang din siya.
"Shut them down, Cons! Hart!" Tumango kami sa sinabi ni Captain. Pagkatapos nun ay bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto.
Muli akong huminga ng malalim at mas pinakalma ang aking sarili. Tumingin na ako sa unahan ko. Nagbigay na ng pasimpleng hand signal si Hart. Tumango ako sa kanya.
Nagready ako at malakas kong binato ang bola. Nagswing ang batter pero dahil sa bilis ng bola, hindi niya yun natamaan. Nasalo naman ni Hart ang bola.
"Strike one!"
Nabigla ako ng biglang magsigawan ang mga tao. Pakiramdam ko nabuhayan sila ng pag-asa dahil hindi tinamaan ng batter ang bola.
Ibinato pabalik sa akin ni Hart ang bola. Muli akong huminga ng malalim at nagready. Pumwesto na ulit si Hart kagaya ng pwesto niya kanina kung saan ang gloves niya ay nasa midpoint ng batter. Walang pag-aalinlangang ibinato ko ng malakas ang bola. Hindi nagswing ang batter pero nasa strike zone ang bola.
"Strike two!"
Muling naghiyawan ang mga Arendians. Sinambot ko ang bolang ibinalik sa akin ni Hart.
Isa na lang.. tapos ang home run streak nyo..!
Matiim kong tiningnan ang batter. Ganun ulit ang pwesto ni Hart kaya naman sa pangatlong pagkakataon malakas ko na namang binato ang bola.
"Strikeout!" sigaw ng umpire ng hindi tamaan ng batter ang bola. Mas lumakas ang hiyawan ng mga Arendians.
YES!!!
Gusto kong sumigaw. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagpastrike-out ako. Unang tayo ko sa mound at unang beses din akong nakapagpastrikeout.
Paksyet.. Ang sarap sa pakiramdam!
Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Umiinit ang buo kong katawan. Hindi ko maexplain.
Tumayo na ang sunod na batter. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong magfocus ulit. Hindi pwedeng maoverwhelm ako ng nararamdaman ko. Kailangan kong makapagpastrikeout pa ng dalawang beses para kami naman ang nasa opensa. Kailangan naming mahabol ang 15 home runs nila.
Tumingin ako kay Hart. Naghand signal ulit siya. Fastball pa rin ang pinapagawa niya sa akin. This time, iniba niya ang pwesto niya. Tiwala naman ako sa kanya kaya naman binato ko na ang bola.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...