Cons
Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Wala pa si Papsie kasi asa shop pa ito, wala pa rin yung ate ko, siguro hindi pa tapos ang klase. Binuksan ko ang laptop ko para simulan ang pag-aaral pero hindi naman agad ako nakapagstart agad dahil inuna ko munang icheck ang Twitter account ko. Dalawang araw ko na rin kasi hindi yun naoopen dahil wala sa akin ang phone ko.
May ilang dms sa akin at nakita ko na galing ang isa kay Oly. Binuksan ko ito.
Hi, Cons! ☺️ i follow you here tsaka sa ig.
Chineck ko ang account niya at nakafollow na nga siya sa akin kaya finollowback ko siya. Bumalik ako sa dm para mareplyan siya.
Follow back done
Ig naman ang inopen ko at finollow back ko agad dun si Oly. Chineck ko na rin ang feed niya. Namangha pa nga ako kasi ang ganda ganda niya sa lahat ng pictures niya. Sanaol maganda sa picture hehehe. Habang nagsscroll ako ng mga post niya, nakita ko ang isang post niya tungkol sa mga kuya niya.
My kuyas ♥️
Nakangiti si Kuya Atlas sa picture pero si Pro hindi man lang nakatingin tapos magkasalubong pa ang mga kilay. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil halatang napilitan lang siya magpapicture. Chineck ko ang mga comments.
rowansevilla @panaliganpro anong mukha yan?? 😂😂
Agad kong niclick ang tagged account ni Pro pero nakaprivate yun kaya wala din akong nakita kundi bio niya lang na future vet. Hindi nga mapapansin na sa kanyang account yun kasi naman aso yung profile picture. Finollow ko na lang siya, sana lang iapprove niya.
Asa ka pa Constance! Imposibleng ifollow ka nyan galit nga sayo yung tao! Shut up ka na lang dyan my unconscious mind. Walang basagan ng trip.
Nagbrowse na lang ulit ako ng post ni Oly at hineart ko lahat ng magaganda siya pati yung may pic ng Kuya Pro niya. Hehehe. Tapos may nagmessage sa akin.
Oh my! Nagfloodlike ka sa feed ko 😂
but thank you 😘😘Welcome!
Magaganda kasi ang
mga photos moReally?? Thank you Cons ♥️♥️
Napapangiti ako sa mga emojis niya. Mukhang mahilig siyang gumamit nito.
Ang ganda rin ng feed mo! ♥️ Ang aastig, baseball player ka pala?
Ahh, oo
I want to see you play! 🥰
Wala pa kaming game ngayon e
Sa practice nyo na lang!
Can I watch you
kahit sa practice nyo lang? 🥺Hindi pa ako makakapagpractice
ngayon, injured pa ako e heheOh! I forgot 🥺 im sorry Cons
Hahaha ayos lang Oly!
Speaking of that, hinatid ka ba
ni Kuya Pro kanina?Ah, oo. Nagulat nga ako ng makita ko
siya sa lobby ng building namin
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...