Pro
Mabilis akong nabadtrip ng pagkabukas ko ng pinto ang bumungad sa akin ay ang babaeng ayokong makita. What the fvck is she doing here??? Sa lahat ng tao dito sa mundo siya ang pinakaayokong makita. Hindi ba niya naalala ang sinabi ko sa kanya na lumayo siya sa akin??
Hindi ko na sana itutuloy ang pagpasok pero pinigilan ako ni Kuya Atlas and worst ipinakilala pa niya sa akin ang kasama niya. Masama lang naman akong nakatingin dito at walang balak makipagkilala sa kanya.
"Hi, Pro!" Nakangiting-bati nito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Nice to meet you." Inilahad pa niya ang kamay niya sa harapan ko pero hindi ko yun kinuha. It was not nice to meet you! I want to say it sana pero ayoko siyang kausapin.
Anong akala niya? Nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin a month ago? Hell no! Hindi ko siya mapapapatawad for kissing me!
Buti na lang talaga umalis na siya agad kundi sobrang masisira talaga ang araw ko. Asa mood pa naman akong pumunta dito tapos sisirain niya lang.
"Let's go?" Tanong sa akin ni kuya. Tumango ako. "Sinong naghatid sayo dito?"
"Si Rowan." Tipid kong sagot. Tumango lang din siya. Pagkadaan namin sa Emergency Room ay biglang may sumigaw sa loob ng code blue. Nakita kong parang nagpanic sila sa loob. Sinulyapan ko si kuya at nakita kong sumeryoso ang mukha nito..
"Shit.." Tumingin siya sa akin. "I'm sorry, Pro pero mukhang hindi kita masasamahan ngayon!" Bigla akong nadisappoint. What?? Pero kailangan naming umalis ngayon!
Sa inis ko ay iniwan ko siya. Bakit naman ngayon pa?? Ang malas malas naman!
"Teka sandali Pro!" Tawag sa akin ni kuya pero hindi ako tumigil, tuloy-tuloy lang ako sa paglabas ng ospital. "Pro!"
Bigla akong napatigil sa paglalakad ng may tumigil na motor sa harapan ko. Buti na lang hindi ako naout of balance.
"Ms. Cons!" Lalong sumama ang timpla ng mukha ko ng makita kung sino ang sakay ng motor. She's still here?? "I'm sorry kung aabalahin kita ngayon but I need someone to accompany him!" Mabilis kong tiningnan si kuya na nasa tabi ko na pala ngayon. What the!?
"Po?"
"Kuya!" Protesta ko. Balak ba niyang ipasama ako sa babaeng iyan?? "I won't go with her!" Hinding-hindi ako sasama sa kanya! No!
"Doc!" May isang nurse naman ang tumawag kay kuya mula sa loob ng ospital.
"Sige na Pro sumama ka na kay Ms. Cons!" Inis akong umiling. "Hindi kita papayagang magcommute alam mo yan!"
"But—"
"If you don't want then don't go!" I clenched my jaw. Gustuhin ko mang magprotesta pa ay hindi ko na magawa. He's serious and I think he's gonna be mad na if I'll disagree pa. Inis akong bumuntonghininga at salubong ang mga kilay na tumingin sa ibang direksyon.
"Ms. Cons, sorry but ikaw na munang bahala sa kapatid ko ha? I owe you one." Rinig kong wika ni kuya. I'm clenching my fist para pigilan ang sariling umapila kay kuya. "Pro, sumakay ka na!" Utos niya sa akin. Tumingin ako sa kinaiinisang babae at nakatingin din siya sa akin na mukhang nagugulat sa mga nangyayari.
"Bilisan mo na Prometheus. I don't have enough time para dito." Hindi man mataas ang boses ni kuya pero alam kong kailangang sundin ko na siya.
"Fvck!" Mahina kong mura. No choice ay lumapit ako sa motor. "Will you scoot forward?! Paano ako makakaupo hindi ako kasya!" Bulyaw ko sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay nito.
"Prometheus." Maotoridad na wika ni kuya. I rolled my eyes because of frustration.
"Fine! Fine!" Napipilitan at naiirita kong wika. Umusod na siya pauna at sumakay na ako sa may likuran niya. Hindi ko naman siya hinawakan habang sumasakay ako.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...