C&P05

70 7 4
                                    

Cons

Ang boring ng life. Haysss.

Isinubsob ko ang mukha ko sa desk. Kasalukuyan akong nasa classroom ngayon dahil meron akong isang linggong pagpapahinga. Sa next week na lang daw ulit ako bumalik sa pagpapractice sabi ni Captain.

"Goodmorning bessie!" Tumunghay ako ng marinig ang boses ni Astrid. "OMG! What happened to you?? Why are you like that??" Gulat nitong wika. Mabilis siyang lumapit sa akin.

"Baka napilay na kakabaseball." Tamad kong tiningnan si Zoey. Mabilis naman niyang inalis ang paningin sa akin at umupo na sa upuan nito. Unfortunately, malapit lang siya sa akin dahil magkakatabi kaming tatlo, nasa gitna nga lang si Astrid.

"Naaksidente ako nung Friday."

"What!? Bakit hindi mo man lang ako sinabihan??"

"Don't worry, Astrid. Ayos lang naman ako!"

"Ayos? Pero nakasaklay ka!" Hindi ngumingiting wika nito.

"Ayos lang talaga ako, one-week ko lang ito gagamitin!" Pinakita ko sa kanya ang saklay. Napabuntong-hininga siya.

"Ikaw talaga! Hindi ka nag-iingat!" Tumawa na lang ako sa sinabi niya kahit wala naman nakakatawa.

"Ibig bang sabihin nyan, one-week kang hindi makakapagpractice and makakaattend ka na ng buong klase natin??"

Tumango -tango ako sa kanya.

"Shocks bessie! May long quiz tayo mamaya kay dragona!" Nanlalaki ang mga mata nito. Bigla naman akong namroblema kasi ang sinasabi niyang dragona ay si Mrs. Flamenio. Ang isa sa pinakaterror na prof sa department namin.

Long quiz tapos kay dragona pa.. taragis!

Mabilis na kinuha ni Astrid ang mga notes niya at ibinigay sa akin.

"Simulan mo na ngayong magreview, bessie!"

"Thank you, Astrid!" Buti na lang talaga kaklase ko itong bestfriend ko. Sinimulan kong basahin ang notes niya.

"Wag mo nang itry mag-aral, Cons babagsak ka din naman!" Umepal na naman si Zoey. Sinamaan ko siya ng tingin. Iba talaga ang babaeng ito e, gustong gusto akong bwisitin.

"Zoey ano ba? Hayaan mong mag-aral si Cons." Tumahimik naman ang impakta. Patay sa akin ang impaktang ito mamaya. Saka ko na lang siya aaksayahan ng oras, sa ngayon ang importante ay makapag-aral ako kahit papaano.

Hindi ako nakapagfocus sa subject na yun kasi nagrereview ako para sa long quiz mamaya. Hindi pwedeng bumagsak ako kasi malalagot ako kay dragona. Hindi na din ako nagbreak at ginamit ko ang 30minutes na yun para makapag-aral.

Dumating na ang klase namin kay dragona. Tahimik ang buong klase at tanging takong lang nitong tumatama sa semento ang maririnig sa buong classroom. Lahat ng mga estudyante ay nakatungo at hindi makatingin ng diretso dito.

Kahit ako nga din e. Ayoko ngang mapansin nito. Sagad itong makapamahiya kaya.

"Siguro naman nakapag-aral kayo sa long quiz na ito?" Tanong niya sa amin. Wala namang sumasagot.

"Inaasahan kong walang babagsak sa inyo ngayon!"

Napalunok naman ako.

Taragis! Sana pala tinanong ko muna si Astrid kung may long quiz kami para hindi na lang ako nakaattend ngayon..

"Oh? You're here, Ms. Sta. Maria! Buhay ka pa pala?" Napaupo ako ng diretso ng mapansin niya ako. Hindi ako tumitingin sa kanya.

Tsss! Napansin pa nga..

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon