Cons
Nangyari nga ang inaasahan nila Astrid at Oly. Naging laman na naman ako ng UAU at mas dumami ang haters at bashers ko.
Minabuti ko na lang iuninstall ang Twitter app ko dahil sa sunod sunod na paglabas ng notifications sa phone ko. Hindi ko na lang sila papansinin. Hindi ko kailangang aksayahin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay.
After lunch ay nagpaalam na ako sa kanila. May isang oras pa kasi ako para sa next class ko kaya magagawa pa akong turuan ni Pres. Naalala ko naman ang bilin sa akin ni Hart bago kami maghiwalay.
"Ayusin mo ang buhay mo, Cons ha? SC President yun kaya magbehave ka! Maling kilos mo lang, madiDisciplinary Action ka agad!"
Medyo kinabahan ako sa bilin nito. Syempre naman! Ayoko ngang maDA. Malalagot ako kay Coach kapag nangyari yun kaya naman kailangan ko talagang magbehave. Kailangan kong magfocus at sisiguraduhin kong hindi ako aantukin oras na turuan ako ni Pres.
Malapit na ako sa office ng SC President at medyo kinakabahan ako. Feeling ko tuloy para akong natatae.
Tumigil ako sa harapan ng pintuan at huminga ng malalim.
Cons, tandaan mo ang sinabi ni Hart.. behave, okay? Behave. Paalala ko sa sarili ko.
Kakatok na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko. Bago pa ako makareact ay nahila na ako palayo sa lugar na iyon.
Bigla namang bumilis ang puso ko nang marealize kung sino ang humila sa akin. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Hindi na ako nagprotesta pa at hinayaan ko na lang na hilahin niya ako papunta sa kung saan.
Tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa gilid ng Library. Ang layo nang nilakad namin.
Nang marealize kong hawak pa rin ni Pro ang kamay ko ay mabilis ko yung binawi. Tumingin siya sa akin.
"Gago ka ba? Bakit basta mo na lang akong kinaladkad dito??" Inis kong tanong sa kanya. Kailangan kong itago ang kaba na nararamdaman ko. Kailangan kong pakalmahin ang excited kong puso.
Hindi agad siya nagsalita. Tumiim ang tingin niya sa akin.
"A-ano??" Hindi ko napigilang mautal dahil sa pagkakatitig niya sa akin. Dati na naman niya akong tinitingnan ng masama pero ngayon hindi ko magawang malabanan ang mga mata niya.
Nanatili siyang tahimik. Parang tanga! Bakit ayaw nitong magsalita??
"Pinagtitripan mo ba ako??" Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung pinagtitripan mo ako, wala akong panahon ngayon, okay? May kailangan pa akong gawin!" Hindi pa rin siya nagsalita kaya naman mabilis ko siyang tinalikuran. Baka kasi makita niyang kinakabahan ako dahil sa pagtitig niya sa akin.
Bago pa ako makahakbang paalis dun, hinawakan na naman niya ang kamay ko. May kuryente na naman akong naramdaman at mabilis kong binawi ang kamay ko.
"Sorry!" Natigilan ako nang bigla siyang magsorry. Huminga ako ng malalim para kumalma.
"Ano bang problema mo? May kailangan ka ba?"
"Ako na lang ang magtuturo sayo!" Nangunot ang noo ko.
"Ha??"
"You don't need the help of that person kasi ako na yung magtututor sayo sa Literature!" Napamaang naman ako sa sinabi nito.
"Ha?? Bakit naman??" Litong tanong ko. Naging soft ang mga mata niya. Hindi na ganung kabigat ang mga titig niya sa akin. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.
"Just because." Ano daw? Yun na yung rason niya??
"Ayoko nga!" Tanggi ko. "Mas gusto kong maging tutor si Pres kesa sayo!" Muling nagtiim ang mga tingin niya. Mas matindi ngayon kasi dumilim talaga ang facial expression niya.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
Roman d'amourSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...