Pro
We're so busy today dahil 2nd day ng CVM Week. Busy dapat ako kasi isa ako sa representative ng klase namin pero wala ang focus ko ngayon sa event na ito.
Hindi ako makapagfocus dahil buong laman ng utak ko ay ang psycho na yun.
She's angry with me..
Hindi ko gustong magalit siya sa akin pero masisisi niya ba ako kung hindi ko mapigilang hindi mag-alala sa kanya.
I'm just concern about her.
Thinking na may nanakit sa kanya hindi ako mapakali. Gusto kong saktan ang taong nagbigay sa kanya ng sugat at pasa sa gilid ng labi niya.
Tanga ba ang taong yun?? Bakit niya sasaktan ang psycho ko?? Wala siyang karapatan!!
Hindi ko pa nga nalalaman kung sino ang tumulak sa kanya sa pool, tapos ngayon may mananakit sa kanya.
Natigilan ako.
Teka, baka naman iisang tao lang ang gumawa ng mga yun sa kanya. I need to know from her kung sinong gumawa nun sa kanya kahapon then I'll confront that person, aalamin ko kung siya ba nga ang tumulak kay Cons.
"Pro!" Nilingon ko si Clay. "Okay ka lang ba? Tulala ka dyan."
Hindi ako sumagot sa kanya.
"Dalhin mo muna ito sa Faculty tapos pahangin ka muna, mukhang wala ka sa sarili. Balik ka na lang kapag okay ka na." May iniabot na mga papers sa akin si Clay at tinapik niya ako sa balikat.
Sinunod ko na lang siya. Wala rin naman ako sa mood na tumulong sa kanila. May Pet Show kasi later at yun ang inaasikaso nila.
Lumabas ako ng Hall at dumiretso na sa building namin. Habang papunta dun, napansin ko si Hart.
Alam kong kasama niya si Cons kahapon at baka alam nito ang nangyari dito. Kung ayaw sabihin sa akin ni Cons, sa kaibigan na lang niya ako magtatanong. Saka ko na lang gagawin ang pinapagawa ni Clay sa akin.
"Hart." Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Biglang sumama ang tingin nito nang makita ako. Galit pa rin siya sa akin.
Hindi siya nagsalita kahit na nakalapit na ako sa kanya. Bigla tuloy akong nailang kasi mukhang wala siyang balak na kausapin ako pero I need to talk to her.
"Sorry to disturb you pero gusto ko lang magtanong about Cons." Panimula ko.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bakit?" Sa halip na ako ang magtatanong pero siya ang unang nagtanong.
"Umm.. I'm just worried about her yesterday.. may nakita kasi akong sugat at pasa sa may gilid ng lips niya.."
Wala akong nakuhang reaksyon sa kanya bukod sa panlilisik ng mga mata niya sa akin.
I can't blame her if she's hostile towards me kasi kasalanan ko naman. Huminga ako ng malalim.
"I'm sorry." Mukhang hindi naman niya inaasahan ang sinabi ko. "I want to apologize sa ginawa ko kay Cons noon sa cafeteria.. I know you won't believe me but I regret what I did.."
Wala pa rin naman siyang reaction sa mga sinabi ko pero parang nalessen yung panlilisik ng mga mata niya sa akin.
"And I want you to know na wala na akong gagawing hindi maganda kay Cons!" Tumaas na naman ang kilay niya.
"I promise that because I like her!" Hindi ko dapat na sabihin ang bagay na yun pero wala na nasabi ko na at hindi ko na mababawi.
"You like her?" Mukhang hindi naman siya makapaniwala. Tumango ako. "Sa akin mo talaga sinasabi yan?"
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...