C&P 42

52 9 4
                                    

Pro

"O Rowan, kulang ka sa tulog?" Tanong ni Clay nang makarating siya dito sa room.

Tumango naman ito habang nakatingin sa akin at ituro ako. Nagtaka naman si Clay sa ginawa nito.

"Ginising ako ng pagkaaga-aga ng gagong yan para lang maibigay nya ang breakfast ni Cons dito kanina!" Inis nitong kwento kay Clay.

Tumingin ito sa akin. Nginitian ko lang naman si Clay.

"Pinagprepare mo ng breakfast si Cons?"

Tumango ako.

"I thought maaappreciate niya kapag pinaggawa ko siya ng breakfast and gusto ko rin siyang tulungan para mas magkaenergy siya sa morning practice nila!" Proud na proud ko pang kwento.

Sinipa ni Rowan ang binti ko.

"Aray!" Reklamo ko.

"Ganti ko lang! Bwisit ka! Sobra akong kinabahan kanina ng bulabugin mo ang tulog ko!" Asik niya sa akin.

Tumingin siya kay Clay.

"Ganito ang sinabi nyan sa akin kanina ha?? Rowan!! I need your help!! Bilisan mo! You need to be here! Si Oly!! He needs you!! Basta pumunta ka na dito! Ngayon na bago mahuli ang lahat!!" Gayang-gaya niya ang mga sinabi ko sa kanya kanina. Kuhang kuha pa niya yung emosyon ko.

"Sinong hindi kakabahan sa pinagsasabi nyan kanina?! Natanggal ang antok ko e! Alam mo Clay, pinatakbo ko ang kotse ko ng isang daan para lang makarating agad sa kanila, sa pag-aalalang may nangyari nga kay Oly! Tapos nung makarating ako, magpapahatid lang pala dito sa Arend para lumandi!! Inabala ng walang hiyang yan ang masarap kong pagtulog para lang makaporma sa nililigawan niya!!"

Sa lakas ng boses ni Rowan, nalaman na tuloy ng buong klase kung anong nangyari sa amin kanina. Kahit kelan talaga, madaldal at sumbungero ito e.

"Totoo ba yun, Pro?" Pagsisigurado naman ni Clay.

Tumango ako.

"Magandang idea yun, pare!" At naghighfive pa kaming dalawa.

"It's a good idea, di ba? I bet kinilig si Cons kasi pinaghanda ko siya ng breakfast.." Natatawa kong wika.

"Gawin ko kaya din yan! Paghahanda ko rin si—"

"Anong good idea dun ha?? Binulabog mo pagkakatulog ko kanina! Ganda ganda pa naman ng panaginip ko! Tsaka anong ibig mong sabihin ha? May ipaggagawa ka rin ng breakfast???"

Sabay kaming tumingin ni Clay kay Rowan. Sobrang nakasambakol ang mukha niya at paniguradong inis na inis na ito. Hindi lang sa akin kundi pati na rin kay Clay.

"Chill, dre!" wika ni Clay.

"Chill chill—"

"Ssshhh!" Pinatahimik ko siya.

"Babawi ako sayo okay? Pwede bang wala akong gawin? Syempre meron!"

"Anong gagawin mo??" Nakanguso niyang tanong. Alam kong nagsasubside na ang inis nito.

"Syempre papabanguhin ko ang pangalan mo kay Oly tsaka kay Kuya Atlas." Nagwiggle-wiggle pa ang mga kilay ko.

Tumahimik si Rowan tapos nawala na yung sambakol niyang mukha.

"Talaga??" Napapangiti na siya.

"Oo naman! Tulungan mo lang ako sa panliligaw ko kay Cons, I got your back pagdating sa mga kapatid ko!"

Tuluyan na siyang sumaya.

"Sabi mo yan ha?? Kapag hindi pa rin ako pumasa kay Kuya Atlas, sisirain ko yang lovelife mo!"

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon