C&P47

60 9 1
                                    

Cons

Ano kayang magandang panoorin?

Nakatingin kami ngayon sa mga Now Showing. May comedy, may pambata, may rom-com, may drama at may horror.

"Ayun!" Nagkatinginan pa kaming dalawa kasi parehas ang tinuro namin, yung Korean horror movie.

"Nice! We have the same taste." Nakangiti siya. "Let's buy the tickets!"

"Ako bibili ng popcorn!"

"Ako na!"

"E ako na! Ikaw na ang sa tickets e!"

Umiling siya. "This is a date, di ba? So ako na bahala! Just enjoy this date with me, okay?" Sabay kindat. Hindi naman ako nakapagsalita sa ginawa niya. Parang tumalon yung puso ko yawa!

Iniwan na niya ako dun at mag-isa siyang bumili ng tickets and popcorn. Nagtingin-tingin na lang ulit ako sa mga movie posters habang hinihintay siya.

"I want to watch that!"

Napalingon ako sa maliit na boses na yun at nakita ang dalawang maliit na bata na malapit sa akin, isang lalaki at isang babae.

"Me too!" Tumalon pa ang batang lalake habang hawak ang kamay ng isa pang bata.

Tumingin ako sa paligid, baka asa paligid lang ang kasama ng mga ito.

"Let's go!" Aya ng batang babae.

"Wait! Are we allowed to enter? Di ba we need the small paper para pumasok?" Mukhang nag-isip pa yung batang lalake.

"We can enter, Sin! We will sneak in!" Humagikgik pa ang batang babae. Parang tuwang tuwa sa naisip.

Nakatuwaan ko tuloy panoorin ang dalawa.

"But that's bad! Mommy and Daddy will get mad.." Mukhang good boy itong isa tapos pasaway yung batang babae.

Sumimangot yung kausap niya. Nagulat ako nang sapukin ng batang babae ang batang lalake. Yawa! Ang bilis ng kamay!

Lumabi naman ang batang lalake at mukhang paiyak na.

"They will get mad if you'll tell them! So secret lang natin ito, okay?"

"But Tad.." Suminghot yung lalake. Umiiyak na nga siya. Hala.. pinaiyak na nung isa..

"Oy.." Hindi ko na napigilan ang sarili kong lapitan sila. Sabay silang tumingin sa akin. Nakasimangot yung babae habang yung lalake naman ay umiiyak.

Hindi ko mapigilang macute-an sa kanilang dalawa.

"Bakit mo pinapaiyak yang kasama mo?" Tanong ko dun sa babae. Lalo siyang sumimangot sa akin.

"We're not talking to strangers po. Sorry po." Galit siya pero magalang. Lalo akong nacute-an sa kanila.

"Goods yan! Wag nga kayong makipag-usap sa strangers!" Umupo ako sa harapan nila para magkaeye level kami. Mas naglapit silang dalawa at medyo lumayo sa akin. Nginitian ko sila.

"Mabait ako. Don't worry, hindi naman ako nangunguha ng bata."

"You're still a stranger!"

"Constance Sta. Maria! Yan pangalan ko!" Kinuha ko pa ang id ko para ipakita sa kanilang dalawa. "Pero pwede nyo akong tawaging Cons!"

Tiningnan lang nila ang id ko tapos ay tumingin sa akin.

"Hindi na ako stranger!"

"I'm Sinag.." Tumigil na sa pag-iyak yung batang lalake.

"Sin! You're so stupid talaga!" Binatukan na naman niya yung nagpakilalang Sinag. Nagsimula na naman itong umiyak.

"Oy, wag mo nga siyang sapukin. Bad yan." Pagbabawal ko dito. Tumahimik naman siya.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon