Pro
Excited ako sa araw na ito kasi sa wakas hindi na ako obligadong samahan o bantayan ang psycho na yun. Finally, I am so fvcking free!
Naging tahimik ang buhay ko simula umaga hanggang ngayon. Hindi ko kasi nakita kahit anino ng psycho na yun kaninang breaktime.
"Pro, later ha kakausapin ko si Kuya Atlas!" wika ni Rowan habang papunta kaming cafeteria.
"Paexorcist ka na lang kasi, yun ang mas kelangan mo kesa doctor!" Pang-aasar ko sa kanya.
"Gago ka!" Tumawa lang naman ako sa naging reaction niya.
"Hindi mo ba siya nakausap kahapon?" tanong ni Clay.
"Hindi. Kasi nakita siya nung inindian niya kahapon." Ako ang sumagot. Nangunot naman ang noo ni Clay.
"Tss! Pinaalala mo pa talaga pre no?"
"Anong nangyari?" tanong ulit ni Clay.
"Nakalimutan ko kasing may usapan nga pala kami ni Ysabelle kahapon! Nangako ako sa kanya na ihahatid ko siya pauwi."
"Siya yung taga-Psych?" Muling tanong ni Clay. Naalala ko naman si psycho pero agad ko din siyang inalis sa isip ko.
"Oo! Yung bago kong pinopormahan." Salubong ang kilay na wika pa nito.
Tinawanan ko naman siya. "Binasted ka na ba bro??"
"Asa! Hindi pa no? Nagalit lang siya sa akin pero hindi pa naman niya ako binabasted."
"Bakit mo kasi nakalimutan?"
"E excited akong makita si Oly e!" Bigla siyang ngumiti. Binatukan ko tuloy siya. "Aray! Nambabatok ka!" Sigaw sa akin ni Rowan.
"Excited mong mukha mo! Kung si Oly lang pala ang gusto mong makita, wag mo nang kausapin si Kuya Atlas!"
"Pro naman!"
"Shut up pre! Sinabi ko na sayo, tigilan mo si Oly! Wag ang kapatid ko!"
Sumimangot si Rowan. "Tss! Napaka-kj mo talaga!"
Tinaasan ko lang siya ng kilay sa sinabi niya.
"If I were you, Rowan ang iintindihin ko na lang ay si Ysabelle! Bahala ka, maya nyan bigla kang bastedin! Siya ang maging kauna-unahang babaeng nambasted sayo!" payo ni Clay.
"No!" Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Clay. "Asang bastedin ako nun no? Tsaka hindi ako papayag na babastedin niya lang ako! Isang Rowan Sevilla? Babastedin niya??"
Napailing na lang ako sa sinabi ng kaibigan ko. Medyo malakas talaga ang hangin niya sa utak. Masyadong mataas ang tingin sa sarili pagdating sa mga babae. In short napakayabang. Porket wala pa talagang nakakabasted sa kanya sa lahat ng babaeng pinormahan niya.
Kung ano-ano pang sinabi ni Rowan na hindi ko na lang inintindi kasi tungkol lang naman sa babae niya ang kinukwento niya. Buti at nawala na sa isip niya si Oly.
"Hi, Pro!" Tiningnan ko ang babaeng sumalubong sa akin pagkapasok namin sa cafeteria. Automatic namang nagsalubong ang mga kilay ko ng makita ang babaeng nagbalik sa akin ng cellphone ko. Hindi ko siya binati at sa halip ay lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa braso ko.
Bago ko pa mabawi sa kanya ang braso ko ay binitawan niya ako.
"Sorry, may gusto lang sana akong ibigay.." Na naman? Ano namang ibibigay ng babaeng ito? Dededmahin ko na sana siya ng mapansin ko ang lunchbox na hawak nito. Kung hindi ako nagkakamali, yun yung lunchbox ni psycho.
"Nagpeprepare kasi si Tito Noah ng lunch for you kaya eto pinabibigay nya.." Iniabot niya sa akin yung lunchbox. Hindi naman ako nagdalawang-isip na kunin yun pero nagtaka ako kasi bakit hindi si psycho ang nagbigay nun sa akin.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...