Pro
"Ginagawa mo dito?" Sa halip na batiin ko siya ay iyon ang nasabi ko. Hindi ko talaga maalis ang pagkamasungit ko. Tss.
Hindi naman niya pinansin ang pagsusungit ko.
"Hinihintay ka."
Dug. Dug. Dug.
What? Bakit naman niya ako hinihintay?
Agad naman akong tumingin sa paligid. Baka mamaya nyan ay may makakita sa amin.
"Chill ka lang, Pro! Huwag mo nang alalahanin pa kung may makakita sa atin."
Tumingin ulit ako sa kanya.
"Baka mabash ka na naman.."
"Sus! Hindi na yun, binantaan mo na sila di ba? Nabasa ko din yung tweet ni Oly e tapos ang dami pang rumesbak para sa akin kaya wala ng mangingiming mambash sa akin!" Ang lawak ng pagkakangiti niya. Halatang halata sa mukha niya ang sobrang kasiyahan.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Fvck.. bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko..??
"Bakit mo ba ako hinihintay? May sasabihin ka ba?" Tumango siya habang nakangiti sa akin.
Sobrang gaan ng aura niya. Halata ang matinding kasiyahan nito sa kanyang mukha.
"Sa wakas regular player na ako sa baseball team!"
Hindi agad ako nakapagsalita sa ibinalita niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit niya yun sinabi sa akin pero.. iba ang dating nun sa akin.
Nakatitig lang ako sa masaya niyang mukha.
"Hindi mo ba ako icocongratulate?? Two years din ang hinintay ko para makasama sa regulars ha??"
Two years? Two years na siyang seryosong nagbabaseball kahit na hindi pa talaga siya official player ng baseball team.
Kaya siguro ganito siya kasaya.
"Tss. Congrats!" Medyo masungit kong pagbati sa kanya. Tumawa lang naman siya.
"Salamat! Sobrang saya ko talaga ngayon kasi sa wakas makakalaro na ako sa isang official game!"
Hindi ko na din napigilan na mapangiti. Nakakahawa ang kasiyahan niya.
"Never ka pa bang nakakalaro sa isang official game?" I asked. Umiling naman siya.
"Everytime na may official game, asa dug out lang kaming mga hindi regulars. Pero this time, sobra na akong excited kasi hindi na lang ako manonood sa dugout. May malaking chance na makakatayo ako sa mound para maglaro!"
I can see excitement and passion into her eyes. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig sa mga mata niya.
"I'm happy for you then.." Muli siyang ngumiti. Pakiramdam ko kumikinang yung mga mata niya sa sobrang kasiyahan.
"Gusto ko lang ding magthank you ulit kasi mapeperfect ko ang exam ko sa Lit!" Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ang yabang mo talaga!"
"May ipagyayabang naman oy! Tsaka magaling ang tutor ko e!" Tumaas-taas ang kilay niya. Mukha siyang ewan pero nakakatawa siya. "Ano bang gusto mong pambawi ko sayo ha?" sunod niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Ano bang gusto ko?
"Don't worry, kahit ano pa yan gagawin ko para makabawi sayo!" Dagdag niya habang itinaas-taas niya ulit ang kanyang mga kilay.
"Then.. make me lunch." Sagot ko sa kanya. Nawala yung ngiti niya, mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...