C&P15

63 7 1
                                    

Pro

Sunday. Napilit ako nila Clay at Rowan na lumabas. Hindi nila ako tinantanan hanggang hindi ako pumapayag. Walang tigil nila akong tinatawagan. Tapos napapayag lang ako ni Rowan ng sabihin niyang sila na lang ang pupunta sa bahay. Double purpose na rin daw ang pagpunta niya kasi hindi lang ako ang pupuntahan niya pati na rin si Oly.

At dahil ban nga siya sa bahay, napilitan na lang akong makipagkita sa kanila dito sa Starbucks sa SM.

Pagpasok ko sa SM, nakita ko agad ang dalawa. Nakaupo sa may gilid ng SB. Napansin na rin ako ni Rowan at ngiting ngiti ito sa akin.

Masama naman ang tingin ko sa kanya. Akala ba nila, nalimutan ko na ang ginawa nila sa akin nung Friday night??

"Brother!" Itinaas ni Rowan ang kamay niya para makipaghigh-five sa akin pero hindi ko siya pinansin at umupo sa bakanteng silya. Napakamot naman ito sa kanyang ulo.

"Pro." wika naman ni Clay. Alanganin naman itong nakangiti sa akin. Tiningnan ko rin siya ng masama. Nanatili akong tahimik at hindi sila kinakausap.

"Hehehe, galit ka pa rin sa amin?" tanong ni Rowan.

"What do you think?" Balik-tanong ko sa kanya.

"Mag-explain ka na Clay!" Kay Clay naman siya bumaling.

Tumingin naman ng masama si Clay kay Rowan. Sinipa pa niya ito. Napangiwi lang naman si Rowan at hinimas-himas ang binti nito.

"Sorry ulit talaga Pro sa nangyari nung Friday.. masyado kaming nalasing nitong si Rowan! We didn't mean to leave you there.. ano lang.." Napakamot siya sa pisngi niya tapos napabuntong-hininga siya. "Sorry talaga! Kahit anong explain namin sayo, we knew that it was our fault! Hindi ka talaga dapat namin iniwan!"

"Pro!" Kay Rowan naman ako tumingin. Hinawakan pa niya ang kamay ko.

"I'm sorry, Pro!" Sumeryoso ang mukha niya na parang naiiyak siya.

"Nung nagkaron kasi ng crisis sa Spain, isa ako sa mga teachers na natanggalan ng trabaho kasi sabi nila hindi naman daw talaga ako magaling.." Nangunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. "Hindi din totoo na may MA ako kasi hindi din ako nabigyan ng scholarship grant.."

"What the fvck are you saying??" Litong tanong ko sa kanya. Binawi ko ang kamay ko sa kanya pero muli niyang hinawakan iyon.

"Mula ng matanggal ako dun sa eskwelahan.. nagdouble job po ako para kumita ng pera para may maipadala sa inyo.."

"Tngna Sevilla, pinagsasabi mo!" Hindi ko mabawi ang kamay ko mula sa kanya kasi hawak na niya yun ng dalawang kamay niya tapos naluluha talaga siya.

"Naging waiter ako dun sa bar at nakita ako ni Clay," tumingin pa siya kay Clay. Maging ito ay nakakunot na ang noo at hindi din magets kung anong pinagsasabi ng kaibigan namin.

Ibinalik ko ang paningin kay Rowan at may isang luhang pumatak sa kaliwang mata niya.

"Namasukan din akong katulong kaya ko nakilala si Frodo.. Ang totoo nyan nangutang lang ako ng pera para makauwi dito, Pro! I'm sorry, Pro! Sorry!" Umiiyak na talaga siya.

"I'm sorry, Pro!" Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Hindi naman namin alam ni Clay ang nangyayari sa kanya.

"I'm sorry!" Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa paligid at pinagtitinginan na kami dito. T*nginang Rowan 'to! Kung ano anong pinaggagawa!

"Sorry, Pro!" Humahagulhol na siya.

"Gago ka Rowan! What the fvck are you doing?? Tumayo ka nga dyan!" Pati si Clay ay nahihiya na din sa pinaggagawa nito. Tumingin ng masama si Rowan kay Clay.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon