Cons
"Seriously?? We're going to eat here??" Reklamo ni Pro habang nasa labas kami ng Jollibee.
"Oo. May problema ba? Masarap naman dyan!" Sagot ko sa kanya.
"Pambata naman ang mga pagkain dyan e!" Reklamo pa rin niya.
Napataas ang isang kilay ko sa pagrereklamo niya.
"For me, ayos lang na dito tayo kumain! Favorite ko kasi ang chicken joy." Nakangiting wika naman ni Axel.
Buti pa itong si Axel hindi maarte. Hindi katulad ng Prometheus na ito.
"Pwede ka namang kumain sa iba! Si Axel lang naman kasi ang ililibre ko." Nawala ang pagkakasalubong ng mga kilay niya matapos kong sabihin yun.
"Why would I mind eating somewhere else? Ayos lang naman sa akin dito. It's been ages since I ate here kaya bigla din akong nagcrave sa chicken joy!" Nakataas ang kilay na wika niya.
Hindi na lang ako nagcomment. Ang gulo kasi niyang kausap.
"Pumasok na kayo sa loob at maghanap ng pwedeng maupuan. Ako ng bahalang umorder," utos ko sa kanilang dalawa.
"I can help you, Cons!"
Nginitian ko si Axel. "Ayos lang, Axel! Ako nang bahala dito."
"Sure?"
Tumango ako. "Maghanap na kayo ng table at baka maubusan pa tayo. Ang dami pa namang tao."
"Okay.. sige na nga!" Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang ibabaw ng ulo ko habang nakangiti sa akin.
"Pasok na ako sa loob."
Napatango na lamang ako. Hindi ko na naman kasi inaasahan yung ginawa niya. Bakit ba niya yun ginagawa sa akin??
"Tss." Napatingin ako kay Pro ng mag-tss siya. "Ano ka aso??" Inirapan niya ako.
Bago pa ako magreact sa sinabi niya ay nagawa na nitong makapasok sa loob.
Pisting yawa!
Pumasok na din ako at dumiretso sa counter. Nagsimula na akong pumila. Tatlong customers ang nasa unahan ko. Sana lang hindi ganung katagal umorder ang mga ito.
Tiningnan ko kung saan umupo ang dalawa pero hindi ko sila makita. Siguro dun sila sa pinakaloob nakakita ng pwesto.
Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari kay Prometheus Panaligan. Ang hirap talaga niyang intindihin. Parang patagal ng patagal ay nagiging wirdo siya.
Sa totoo lang hindi pa rin ako nakakarecover sa ginawa niya sa akin kanina. Yun na ata ang pinakamalapit naming dalawa. Naaalala ko na nga lang yung ginawa niya, nagtataasan pa rin ang balahibo ko.
Ang nakakahiya pa, inakala kong hahalikan niya ako. Pero kahit hindi niya yun ginawa muntik muntikanan na akong himatayin kanina.
May ganun pala siyang side? Aggressive. Nagsisimula na rin akong mainis sa sarili ko. Sa halip kasi maturnoff ako sa aggressiveness niya parang bigla pa akong rumupok. Mahabaging langit!
Tapos bigla siyang sumulpot sa lobby namin kanina. Tatakas na sana ako kasi kasama niya si Astrid pero nakita pa rin niya ako.
Kailangan ko tuloy magexplain kay Astrid nito. Sigurado akong nagtatampo na yun sa akin kasi iniwan namin siya.
Haaayyy.. bakit ba mas nagkakaproblema ako kapag malapit sa akin ang baby boy na yun?
Kailangan ko pa ring kausapin si President Caspian kasi hindi ako sumipot sa usapan namin. Baka mamaya nyan hinintay niya ako tapos isa na naman yung problema. Hindi pa naman kami tropa nun, baka maDA ako sa pangiindian sa kanya.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomanceSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...