C&P26

56 6 1
                                    

Cons

Nakatingin lang ako sa likuran nitong si Pro habang papunta sa kung saan. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya.

Kahit anong kastigo ko sa puso ko hindi pa rin ito bumabagal sa pagtibok. Andun pa rin yung kakatwang kaba everytime na nakikita ko siya o malapit siya sa akin.

Pero matapos naming magusap ni Astrid, nabuo na ang desisyon ko na kung ano man yung nararamdaman ko kay Pro, papatayin ko na lamang. Hindi kasi ito pwedeng mas lumalim pa.

Madali sana yun kung iiwasan ko ang taong ito. Magaling naman kasi akong magshut down ng mga tao sa paligid ko pero hindi ko naman yun magagawa dahil umaasa rin si Astrid sa tulong ko na mapalapit siya sa baby boy na ito.

Napangiti ako ng mapakla. Hindi ko na siya pwedeng tawaging baby boy.

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Dito kami napadpad sa isang hallway na walang katao-tao. Humarap siya sa akin at walang pinagbago ang itsura nito, gwapo parin kahit salubong ang mga kilay.

"Ano bang sasabihin mo sa akin at kailangan pa talagang dito tayo mag-usap?" Takang-tanong ko sa kanya.

"So, no one can see us together."

Napatango naman ako pero pakiramdam ko may kumirot sa puso ko.

Bakit naman biglang naging ganito ang isang ito? Sa pagkakatanda ko okay naman kaming dalawa nung huli kaming magkasama. May nagawa na naman ba ako? Hays.

Nawala ang pagkakunot ng mga noo niya pero nanatiling seryoso ang kanyang mukha.

"I will just give you something." Ako naman ang nangunot ang noo.

"Ano naman?"

"Naka-iPhone ka naman di ba?" Tumango ako. "Open mo yung air drop mo."

"Para saan?"

"Just open it, okay?"

Bago ko kunin ang cellphone ko ay napansin ko pa itong tumingin sa paligid.

Tss! Nagmamadali? Ayaw na ayaw talaga niyang may makakakita sa aming magkasama.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis pero hindi ko na lang pinansin ang emosyon na yun at kinuha na ang cellphone ko. Inopen ko rin agad ang airdrop.

"Open na?"

"Oo."

Nakita kong may ginagawa siya sa cellphone niya tapos hindi nagtagal ay may dumating sa phone ko. Limang audio files na may file name na Lit1 to Lit5.

Okay.. ito kaya ang sinasabi niyang reviewer na ibibigay niya daw sa akin..?

Yung inis ko unti-unting nawawala.

"Nareceive mo?"

"Oo." Tumingin ako sa kanya. "Ito ba yung reviewer..?"

"Hope that it can help you." Yun lang ang sinabi nito at saka siya lumakad palapit sa akin tapos ay nilagpasan lang ako.

Nilingon ko siya. Hindi ko naman siya nagawang tawagin. Nag-alanganin ako kasi ramdam kong nagmamadali itong umalis.

Nakatingin lang ako sa likuran niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Malungkot kong tiningnan ang mga audio files na sinend niya sa akin.

Ang weird.. sabi ko gagawin ko lahat para lang maalis yung nararamdaman ko sa kanya pero ngayong siya mismo ang parang umiiwas sa akin, hindi ko naman mapigilang hindi masaktan..

Napabuntong-hininga ako at ilang beses na umiling. Pilit kong winawaksi ang ano mang lungkot na nararamdaman ko.

Pinindot ko na lang yung Lit1. Nagplay yun pero wala agad akong narinig. Isang oras at mahigit din yung audio file kaya hinintay ko na lang kung anong maririnig ko dun.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon