Pro
"Ano ba naman yan? Hindi ko na nakita sila Cons at Hart!" Reklamo ni Rowan.
"Bakit mo ba sila gustong makilala ha?" Tanong ni Clay.
"E kasi gusto ko silang maging kaibigan! Ang cool kaya nila tsaka magaganda pa!" Inilingan lang siya ni Clay sa sinabi nito.
Hindi ko naman siya pinansin. Pumasok na kami sa cafeteria at maraming mata ang sumalubong sa amin. Sobrang dami ata ngayon ng tao dito.
"Andyan na si Pro!"
"Omg! He's so gwapo talaga! Super duper!"
"He's with his friends! Ang gwapo rin nila no?"
"I hope mapansin nila ako.."
"Sana mapansin ako ni Pro.."
"Sapat na sa akin na mapansin ni Clay! He's like a prince charming talaga!"
"Rowan, hi!!!"
Binati naman ni Rowan ang bumati sa kanya. Kinawayan pa nga niya ito kaya naman halos mahimatay yung babae. Pathetic.
"Girls! Pro is here tapos andito rin yung attention seeker na Cons na yun! I bet magpapansin yun sa kanya!"
Sumeryoso ang mukha ko ng marinig ang pangalan niya.
She's here??
Lumikot ang mga mata ko para hanapin si psycho in the middle of these dumb people pero hindi ko siya makita. Ang dami kasi talagang tao.
"Sila Oly!" Rinig kong wika ni Rowan at nauna na itong pumunta kung nasaan ang kapatid ko. No choice ay sumunod ako sa kanya but deep inside ay nagbabakasakali akong kasama nito si psycho.
"Hi, Oly! Hi, Astrid!" Masayang bati ni Rowan. Agad kong hinanap si psycho pero wala siya at ang andun lang ay si number 22. "Hi!" Binati rin ito ni Rowan pero simpleng tinanguan lamang siya nito. Saka ko napansin ang lalakeng kausap nila kanina.
Why is he still here?? Umalis na ang mga kasama niya ah! Inis akong nakatingin dito.
"Sht!" Napalingon ako sa malakas na nagmura at para akong naestatwa ng makitang matutumba si psycho malapit sa akin.
Bago pa ako makagalaw upang saluhin siya ay mabilis siyang nasalo ng iba. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero nakatingin na lamang ako sa kanilang dalawa ngayon.
Lalong pumangit ang pakiramdam ko habang nakatingin sa kanilang halos magkayakap na.
"Are you okay, Cons?" Tanong ng lalakeng ito habang nakayakap pa rin kay psycho. "Nasaktan ka ba?" At maingat niya itong inalalayang makatayo ng maayos. I clenched my fist.
"That was close.." wika ng kapatid ko pero nanatili pa rin ang paningin ko sa kanilang dalawa. Ang sakit nila sa mata. "Buti na lang Axel caught you!"
Hindi nagsalita si psycho sa halip ay tumingin siya sa pinaggalingan niya. Nakatayo naman na ulit siya pero bakit ayaw pa rin siyang bitawan ng lalakeng yan??
"Cons." Tawag ni number 22 kay psycho. Hinawakan pa nga niya ito sa kamay upang kuhanin ang atensyon nito. Binitawan naman na siya nung lalake, buti naman.
Nang humarap siya sa amin ay saka nagtama ang mga mata naming dalawa. Something inside me flutter and I don't know what is that. Ang weird.
"Bessie, okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Astrid ng lumapit ito kay psycho. Binitawan siya ni number 22 at lumayo sa mga ito.
"Buti hindi ka nasaktan." Wika naman ni Rowan. "Natakot ako ng makita kang tatama ka sa table. That was a nice catch bro!" Nag-okay sign pa ito sa kinaiinisan kong lalake kaya mas lalong nadagdagan ang inis ko dito.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
Roman d'amourSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...