C&P14

69 8 1
                                    

Cons

"Boss, una na ako!" Paalam ko kay Boss Jackson.

"Sige C! Salamat! Bukas ulit!" Nakangiting wika nito. Halata ang kasiyahan sa mukha nito kahit pagod na rin siya. Sa dami naming naging customer, sobrang naging busy siya na halos hindi na ata nakakain. Tinanguan ko na lang siya at umalis na.

"Ingat ka, C!" ani Kuya Roger, ang guard/bouncer dito sa CB.

"Kayo din, kuya!" Naglakad na ako papunta sa parking. Chineck ko ang oras sa cellphone at magaalas-dos na. Paniguradong KO na naman agad ako neto pagkahiga ko pa lang sa kama.

Nang makalapit ako kay Bagwis ay ginalaw-galaw ko ang aking ulo. Narinig ko pang tumunog ang mga buto ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang helmet at isinuot na iyon. Sumakay na ako kay Bagwis at inayos ang nag-iisang side mirror. Sa pag-aayos kong yun ay may napansin ako. Nakikita ko si barbie boy sa side mirror.

Naalala ko ang mga pinagsasabi niya sa akin kanina. Grabe lang sa pagiging judger! Pasalamat siya at andito ako sa pinagtatrabahuhan ko kung hindi, talagang makakatikim siya sa akin ng sapak.

Ang daming sinabi akala mo naman kilalang kilala ako!

Hindi ko na siya pinansin at inistart na ang makina ni Bagwis. Talagang nabadtrip ako sa mga sinabi niya kanina. Hindi ko nga alam kung san san niya pinagkukuha ang mga pinagsasabi niya.

Porket nakita niya lang akong natutulog sa rooftop??

Nagmaniobra na ako paalis sa parking. Napatingin ulit ako kay barbie boy kasi madadaanan ko siya. Hindi pala siya nag-iisa, may mga kasama siya. Pero hindi yung si epal at yung isang lalakeng machix ang kasama niya kundi tatlong babae.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang malagpasan ko sila. Sinilip ko pa sila sa side mirror. Nakita ko pang napapaatras si barbie boy habang nilalapitan siya nung tatlong babae.

Muli kong ibinalik ang paningin sa unahan. Habang nagdadrive ay naalala ko ang itsura ni barbie boy nung lagpasan ko sila. Salubong ang mga kilay at mukhang galit na galit.

"Tss! Taragis naman o!" NagU-turn ako at binalikan si barbie boy. Nakita ko siyang nakasandal na sa sasakyan habang malapit na sa kanya ang tatlong babae.

Binusinahan ko sila ng sobrang lakas kaya naman lahat sila ay nagulat. Inis na tumingin sa akin yung mga babae ng tumigil ako sa harapan nila. Dun ko din napansin na mukhang lasing ang mga ito.

"What the fvck!" Sigaw nung babaeng nasa gitna. Wala naman akong pake sa sinabi niya. Bumaba ako kay Bagwis at inistand yun. Tinanggal ko ang aking helmet at ipinatong dito. Humarap ako sa kanila. Lalo silang nainis ng makita ako.

"What do you want you freak!?" Sigaw naman nung babaeng maikli ang buhok. Hindi ko siya pinansin at tumingin ako kay barbie boy. Kahit ito ay salubong din ang mga kilay na nakatingin sa akin. Muli akong tumingin sa tatlong babae.

"Alis!" Yun lang ang sinabi ko sa kanila.

"What!? Sino ka ba ha para paalisin kami?? Pwede ba, ikaw ang umalis! Nakakaistorbo ka sa amin!" Napabuntong-hininga ako.

"Yang lalakeng yan—" Itinuro ko si barbie boy. "Akin yan kaya off-limits kayo dyan!" Sa halip na sumunod sa akin ay tumawa silang tatlo.

"As if ibibigay namin siya sayo!" Wika nung nasa gitna tapos sinenyasan niya yung babaeng may maikling buhok. Sumugod ito sa akin.

Inilagan ko lang naman ito tapos sinipa ko siya sa pwetan. Napangisi ako ng sumubsob siya sa semento. Para siyang palaka.

"You bitch!?" Nilingon ko yung sumigaw. Yung babaeng may bangs. Siya naman ang sumugod. Hindi ko siya inilagan sa halip sinikmuraan ko siya. Luhod naman siya e. Tumingin ako dun sa natitirang babae.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon