C&P44

46 9 3
                                    

Pro

"Kuya! Don't be so kj please?? That's my birthday!" Sumimangot sa akin si Oly. "Wala na nga si Daddy tapos pati ikaw wala din!" She crossed her arms at simangot na simangot sa akin.

Dahil ginamit na niya yung card na wala si Dad, wala na akong nagawa.

"Sige na nga." Labag sa loob na pagpayag ko. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Thank you, kuya! Omg! I'm so excited na!" Super excited talaga siya sa birthday niya.

Nilingon ko si Kuya Atlas nang tapikin niya ang balikat ko pero napabuntong-hininga na lang ako.

Today is Oly's birthday and later may paparty siya sa isang exclusive resort. Wala talaga akong balak umattend kasi paniguradong maraming tao ang andun at hindi ako magiging kumportable.

"Mag-ayos na kayong dalawa ha? Alam kong gwapo na kayo but be more pogi okay?" Nagwink pa sa amin si Oly at umakyat na siya papunta sa room niya.

No choice ay pumunta na lang din ako sa room ko.

"Kuya, let's go na!" Kumatok na nang kumatok si Oly sa labas ng pinto. Mukhang hindi siya titigil hanggang hindi ko binubuksan yun.

"You're so loud." Reklamo ko pagkabukas ko ng pinto.

"And you're so bagal! Aalis na kaya tayo! Aayusan pa kaya ako! Duh!" Inikutan pa niya ako ng mga mata. "Let's go na!"

Sumunod na ako sa kanya. Kung hindi lang talaga nito birthday, bibwisitin ko talaga ito ng sobra.

Pumunta na kami sa resort. Ready na ang buong place for Oly's birthday. Eto yung gift ni Dad sa kanya. Yun din kasi ang request niya, she wanted to throw a big party para makasama ang lahat ng friends niya. But I doubt kilala niya lahat ng mga guests.

Nagpaalam ako sa kanila na magsstay lang muna ako sa magiging room ko pero hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang sinabi ni Oly.

"Hello, Cons?" Nilingon ko siya. "Today is my birthday ha??" Tumahimik siya tapos ngumiti. "Don't you dare ditch my party ha? I'm gonna make tampo talaga to you kapag hindi ka nagpunta ngayon sa birthday ko!" Muli siyang tumahimik. "Okay! Ingat kayo ni Axel! See you later!"

Bago pa ako mapansin ni Oly na nakikinig sa kanya ay umalis na ako.

This is why I don't like to be here. Alam kong invited sila. Pwede ko silang makita. It's been weeks nang malaman ko ang about sa kanila. Ilang araw ding naging usap-usapan kung anong meron sa kanilang dalawa and it was hell days for me. Yung makakarinig ako about them na magkasama sila and all, that was a torture for me.

I never talked to Cons regarding the issue. I guess I am really a coward person. Hindi ko siya nagawang harapin at tanungin. Alam ko naman na mas masasaktan lang ako and I'm just saving myself from more pain.

Tsaka ayoko namang mapilitan lang siya sa akin just because I told her I like her. If she likes Axel then..

Nagpakawala ako ng napakalalim na hininga.

Hindi ko pa rin tanggap na may iba siyang gusto pero wala naman akong magagawa.

"Hi, Pro!"

Nilingon ko kung sinong bumati sa akin at nakita ko si Astrid na kalalabas lang ng room ni Oly. Magkatabi kasi ang room naming dalawa.

"Hi." Simpleng bati ko sa kanya. She smiled at me.

"Wow.. you looked exquisite." He praised me. I gave her a small smile.

"Thanks. Uhh.. you too, you look great." Ayokong maging rude kasi pinuri niya ako tsaka after nung malasing ako sa Midnight, okay lang sa akin if she's hanging around with me or with my friends.

Cons and Pro (Book 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon