Cons
"Argh! Cons!!" Sigaw ni Dash matapos niyang hindi tamaan ang bolang binato ko. Napangiti naman ako sa reaksyon nito kasi halatang nafrustrate ito dahil hindi man lang niya natamaan ang kahit anong pitch ko. Strikeout tuloy siya.
"Bakit bigla kang gumamit ng knuckleball??" Sigaw ni Dash hindi ko naman mapigilan ang tumawa.
Tumigil ako sa pagtawa at tumingin kay Hart. Itinuro ko siya.
"Siya ang nagpagawa sa akin ng knuckleball! Siya kaya ang sisihin mo!" Tumawa ulit ako.
Tumingin ito kay Hart. Tiningnan lang din siya nito. "Aish! Nakakainis talaga kayong dalawa! Napakaunpredictable ng play nyo!"
Hindi naman nagsalita si Hart habang magkasalubong ang mga kilay ni Dash sa kanya.
Nakita kong nagkibit-balikat lang si Hart na lalong nagpatawa sa akin.
Pumito na si Coach. Ibig sabihin ay tapos na ang practice game namin. Hindi naman maalis ang ngiti ko dahil kami ang panalo sa practice game at sa buong game, ako lang ang pinagpitch ni Coach.
Napatingin ako kay Hart at ngumiti ito sa akin.
Lumapit na kami kay Coach at nakatingin siya sa aming dalawa.
"Cons, Hart! Natutuwa ako sa pinapamalas nyong galing! Hindi talaga ako nagkamali na payagan kayong sumali dito sa Men's Baseball Team!"
Hindi ko naman ineexpect na iyon ang sasabihin ni Coach. Akala ko ang sasabihin niya lang ay mas pagbutihan pa namin.
Hindi nga?? Sinabi ba talaga yun ni Coach?? Pwede kayang ipaulit sa kanya??
"Bawat araw pinapataas nyo ang expectation ko sa inyong dalawa kaya kapag nasa official game na tayo, aasahan ko talagang ibibigay nyo ang pinaka the best nyo!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sunod nitong sinabi.
Official game..? Kami ni Hart..? Ibig sabihin..
Tumingin na si Coach sa buong team. Hindi na siya nakangiti at seryoso na yung mukha niya.
"Team, sa Monday iaannounce ko na ang mga new sets of regulars! Kaya mas pagibayuhin nyo pa ang inyong pagpapractice, okay??"
"YES COACH!" Sabay-sabay at malakas naming sagot sa kanya.
"Next week na din lalabas ang game schedule ng CALABARZON!"
Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Lalabas na ang game schedule.. ibig sabihin, malalaman na namin kung sinong makakalaban namin. Ibig sabihin.. magsisimula na ang preliminary games sa buong Pilipinas.
"I'll make sure that with our new sets of regulars, we're going to win!"
Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang puso ko. Sobrang naeexcite na ako na dumating ang next week. Excited na akong sabihin ni Coach na isa na kami ni Hart sa mga regulars.
Sa wakas magbubunga na talaga ang mga pinaghirapan namin. Unti-unti na talagang matutupad ang mga pangarap naming dalawa ni Hart.
Nilingon ko siya sa tabi ko at kitang kita ko sa mukha niya na maging ito ay naeexcite na rin kahit pa tahimik lang siya.
Napangiti ako. Masaya ako hindi lang para sa sarili ko kundi mas masaya ako para sa kaibigan ko. Alam ko kung gaano niya hinintay ang pagkakataong ito. And this time, mangyayari na rin sa wakas ang pinapangarap namin.
"Sisiguraduhin nating sa season na ito, makakatuntong na tayo sa UBL at makakamit natin ang championship!"
Bumalik ang paningin ko kay Coach. Determinado talaga ngayon si Coach na makapasok kami sa UBL at ang matindi pa nito, gusto pa niyang magchampion kami.
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
Любовные романыSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...