Cons
Mataman akong nakikinig kay Pro habang may ineexplain siya sa akin.
"You got that?" Tanong niya. Ilang beses akong tumango habang nakatitig sa notes ko.
"Breaktime muna, Kuya!" Sinulyapan ko si Oly nang sabihin niya yun. "Pagpahingahin mo naman yung braincells ni Cons, ang dami-dami na niyang minememorize!"
Tumingin sa akin si Pro kaya mabilis kong ibinalik ang paningin ko sa notes ko. Kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Okay, let's have one-hour break." Pagpayag nito. Pumalakpak pa si Oly at saka tumayo ang kuya niya.
"I'll just go to my room." Muli ko siyang tiningnan. Nakasunod lang ang tingin ko hanggang pumasok siya sa kanyang kwarto.
Wala na siya pero nanatili pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Actually kanina pa ako kinakabahan. Para nga akong tanga e, feeling ko naghahyperventilate na ako habang tinuturuan niya ako.
Buti na lang hindi nila nahahalata na kinakabahan ako at buti na lang nagagawa kong maintindihan ang mga tinuturo nila, especially him.
"Ahhh.. sa wakas, breaktime din.." Itinaas ni Oly ang dalawang kamay niya at nag-inat inat.
"Umm.. pasensya na kayo kung naabala ko kayo.." Nahihiya akong ngumiti sa kanila. Hindi naman kasi nila kailangang gawin ito pero nagvolunteer din sila na tulungan ako. Lalo na itong mga kaibigan ni Pro.
"You're so funny, Cons! Don't say pasensya, okay? What friends are for?? I'm always here to help you!"
Grabe.. ang bait talaga nitong si Oly medyo maarte nga lang. Parehas pa sila ng kuya niya, conyo. Hehehe. Pero nakakatuwa kasi nagkaroon ako ng isang kaibigang kagaya niya at sobra kong naappreciate ang sinabi niya.
"Don't worry, Cons. Hindi mo naman kami naabala. We're happy pa nga na makatulong sayo." Wika naman ni Clay. Lalo akong nakaramdam ng hiya nang maalala yung first time naming magkita, medyo naangasan ko siya nun kahit na mabait siya.
"Tsaka nagenjoy naman kami e!" Ani Rowan. "Ang saya kayang mag-aral lalo na kapag inspired!" Tumaas-taas ang mga kilay niya pagkatapos ay tumingin kay Oly.
Napansin ko naman na biglang namula ang mukha ni Oly at nag-iwas ng tingin dito.
Nilingon ko si Astrid nang hawakan niya ang kamay ko.
"I'm sure maipapasa mo na ang Lit!" Nakangiting wika nito. Ngumiti rin ako sa kanya at tumango. Nagpapasalamat din ako sa kanya kasi andito siya para tulungan ako kahit na alam kong si Pro naman talaga ang main reason niya bakit andito siya.
Sumagi sa isip ko ang naging usapan namin kanina ni Pro sa may back yard. Naalala ko kung paano ako nakiusap sa kanya na sana hindi niya sungitan si Astrid at nagpapasalamat ako dahil tumupad siya sa naging usapan namin.
Masaya akong makita na nagkakalapit silang dalawa pero hindi ko naman maitatanggi sa sarili ko na nasasaktan ako.
Pero kung ito yung paraan para maging masaya si Astrid, wala na akong pakielam sa kung ano man ang nararamdaman ko. Ang mahalaga ay siya. Ang mahalaga ay kung anong nararamdaman ng bestfriend ko.
"Friends na ba kayo ni Kuya Pro?" Natauhan ako ng magsalita si Oly.
Hindi ko naman alam kung anong isasagot sa kanya. Friends na ba kami? Ilang araw na rin kaming hindi nagbabardargulan pero hindi ibig sabihin na kaibigan na niya ako. Imposible naman kasi mangyari yun kasi woman hater yun.
Magsasalita pa sana ako pero muling nagsalita naman si Oly.
"Hindi naman yun siguro gagawa ng video message para patigilin ang mga bashers mo kung hindi kayo friends, di ba?"
BINABASA MO ANG
Cons and Pro (Book 1 Completed)
RomansaSi Constance Sta. Maria, isang baseball player, ninakawan ng halik si Prometheus Panaligan, ang lalakeng matindi ang galit sa mga babae. Magagawa bang baguhin ni Constance ang tingin ni Prometheus sa mga babae o lalo lang siyang magiging dahilan upa...