Chapter 2

40 3 0
                                    

Kinabukasan, ganon ulit ang schedule ko, 10:00am ang pasok ko. Kaya naman 7:00am na akong bumangon.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong gumagayak na ang Lola ko. Si Ate ay wala na. Nakaalis na. Hindi ko na naman naabutan.

"Anong oras ba ang pasok mo?" Tanong ni Mommy sa akin.

"Alas diyes pa po." Sagot ko at umupo na nang makakain na rin ako.

"Tapos anong oras naman ang uwi mo?" Tanong niya ulit habang iginagayak ang baon niya.

"5:30 po. Kasabay ko naman po siguro si Ate mamaya. Kung parehas kami ng schedule." Hindi naman kasi kami tugma nun.

Iniligpit ko na ang pinagkainan ko at nagpahinga lang ng kaunti tsaka gumayak na rin ako.

Nagsuot lang ako ng blouse ngayon at nag maong pants ako. Tsaka ako nag doll shoes.

"Mama papasok na ko." Inabot naman niya sa akin ang baon ko.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong niya bago ako umalis

"5:30 dismissal. Pero di naman sure yon, baka mas maaga pa." Sabi ko at lumabas na ng bahay.

*

Pagkadating ko ng room ay humanap na ako kaagad ng magandang pwesto.

Tamang tama at wala pang masyadong tao kaya nakapamili pa ako. Umupo ako sa pangalawang row. Sakto naman na dumating na ang mga nakilala ko kahapon.

"Ang aga mo naman." Ani Cath.

"Mahirap ng ma-late." Matipid na sabi ko.

Maya maya lang ay nagsidatingan naman na ang mga kaklase ko. May mga gwapo, oo. Pero parang ang aangas.

"Hi Mia." Bati sa akin ni...sino na nga?

"Ah.. Hello.."

"Christian." Sabi niya.

"Ah. Hello Christian." Sabi ko nalang. I'm not good with names. Makakalimutin ako. Si Kiel lang naman ang di ko malimutan ang pangalan. Ang ex kong iniwan ako. Pinagpalit ako kaysa sa barkada niya.

Ang sakit diba? Para tuloy nabalewala ako. Pero okay lang. Kakalimutan ko na siya.

"Okay class, good morning. So saan tayo natapos kahapon?" Tanong ni Sir Norwin.

Ha? Hindi pa naman kami nagkaklase ah?

"Sir wala pa po kayong nadidiscuss." Sabi ko.

"Ah wala pa ba. Akala ko kasi meron na. What's your name again?" Nag isip siya, "Ahh. Mia diba? Yung magandang bata kahapon? Mas gumanda ka ngayon." Natawa nalang ako.

"Okay let's proceed to our topic. Aristotle is......"

12:00 pm na ng idismiss niya kami. Kasana ko sila Cath at Elly ngayon. Sa canteen lang kami kakain ngayon, baka kasi kapag lumabas pa kami, mahuli kami sa klase.

"Wala man lang tayong gwapong kaklase." Reklamo ni Elly habang naglalakad kami papunta sa canteen.

"Hindi ka pumasok para maghanap ng gwapo." Sabi ni Cath. Magkakilala na pala sila, friends sila noong high school.

"Wag kang KJ." Sabi naman ni Elly.

"Oo nga naman. Baka naman inspirasyon lang ni Elly." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Bakit ikaw? Wala ka bang inspirasyon?" Tanong ni Cath sa akin.

"Meron. Pamilya ko. Si God. Kayo na rin ngayong nakilala ko kayo." Sabi ko sa kanila. Yun lang naman talaga sa ngayon.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon