Chapter 11

25 3 0
                                    

Ezekiel's Point of View

[A/N: Asahan niyo na po na kapag POV ni Zek ay maikli lang. Happy reading! :)]

*

Nandito na kami sa mall ngayon, kasama ko sina Joy at Aaron. Itinakas ko lang din naman yung kapatid ko dahil ayaw ng parents ko na nakikipagdate siya.

"Kuya saan tayo?" Tanong ni Joy pagkababa namin ng kotse.

"Kayo? Chaperone lang naman ako." Natatawa kong sabi.

Pumasok na kami sa loob at naglakad lakad.

"Pare, pwede bang kami nalang muna ni Joy? Please." Pagmamakaawa ni Aaron sa akin. If I know gusto niya lang masolo ang kapatid ko.

"Fine. Hanggang 4:00pm hahayaan kita. Kapag pumatak ang alas kwatro at wala pa kayo sa parking iiwan ko kayo. At isa pa, hindi mo na makikita si Joy. Maliwanag?"

"Yes sir!" Aniya at lumakad na kasama si Joy.

Humiwalay nalang din ako. Una kong pinuntahan ay ang national bookstore. Bookworm ako actually. Hindi lang halata.

Remember why you play. Parang ang ganda naman ng book na 'to.

*bzzzzzzt

From: Joy

Pizza hut. Now!

*

Aba manlilibre yata ang kapatid ko. Ibinaba ko na ang libro na hawak ko, babalikan kitang libro ka!

Agad naman akong lumakad papunta sa Pizza Hut. Konting hakbang nalang ay malapit na ako. Tamang tama gutom na--....

Parang busog na yata ako. Hindi na ko gutom dahil sa nakikita ko ngayon.

Si Mia... With some other guy. Kaya ba hindi siya pwede dahil may date siya? Pwede naman niyang sabihin, hindi yung nanghuhula ako kung bakit hindi siya pwede.

Teka nga! Bakit ba ko nagkakaganito? Eh ano naman sa akin kung hindi siya pwede? It's just a lunch. A friendly lunch!

Kapag babae at lalaki, magkasamang kumain na silang dalawa lang. Date yon. Date ang tawag doon! Punyeta oo na!

Sa halip na pumasok sa Pizza hut ay lumakad nalang ako palayo. Bakit naiinis ako? Dapat ako yon. Dapat ako yung kasama niyang kumain. Sino ba kasi yung lalaking yon?

Pumunta muna ako sa rooftop ng mall para makapag unwind. Nakakainit ng ulo, naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi hindi ko alam. Punyetang pag ibig tinamaan yata ako!

Tama pala sila ano? Hindi hadlang kung gaano mo na katagal kakilala ang isang taong mamahalin mo. Once na tinamaan ka talaga, yun na talaga yun.

"Problema sa pag-ibig, hijo?" Nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko. Tumatawa tawa pa siya. Isa siyang matanda pero maayos naman siya.

"Po?" Medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

"Nakita mo na siya. Yun nga lang, hindi ka niya nakikita. Sa iba pa rin kasi siya nakatuon. Nakakulong pa rin siya sa nakaraan." Anong pinagsasasabi niya?

"Naguguluhan po ako sa sinasabi ninyo."

"Fate. Destiny. Meant to be. Wala ng makakapag paliwanag pa. Pag-ibig ang isa sa pinaka makapangyarihan sa mundo. Hindi ka maaaring mabuhay sa mundo kung hindi mo iyon mararanasan." Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Fate? Destiny? Meant to be? Iisa lang naman ang mga ibig sabihin niyan, 'La. At ni isa dyan hindi totoo." Paliwanag ko.

"Maniwala ka lang, hijo. Walang imposible. Maghintay ka lang. Huwag kang magsasawa, darating din ang tamang panahon." Tinapik tapik niya ang balikat ko.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon