Chapter 7

35 3 0
                                    

[A/N: Medyo short update. Pasensya na po, medyo busy dahil June ang pasok namin. Enjoy reading! Please vote and leave a comments. Thanks.]

Alas singko na ng umaga nang gumising ako. Nagpalit kaagad ako ng nag iisang nike cycling ko, regalo ito sa akin noon ni Mommy nung naglalaro pa ako. Nagsuot lang ako ng sando. Tsaka ko kinuha sa kahon ang sapatos ko. Ang pinakaiingat-ingatan kong sapatos, roshe run lang ito, nung birthday ko nang nabili ko 'to, pinagipunan ko talaga. Matapos ay inilagay ko na sa braso ko ang lalagyan ng cellphone para makapakinig din ako ng music habang tumatakbo.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang magjogging. Naisip ko kasi, kung babalik man ako sa paglalaro, kailangan bumalik muli ang dati kong resistensya, halos isa't kalahating taon ako natigil kaya kailangan kong ikondisyon muli ang sarili ko.

[WelcomeDistraction/TaylorSwift]

You're the last thing I needed today.

And I don't know

Where I lost control

And couldn't take in any longer

Must have been somewhere between

Your smile and the way you say my name

Halos malayo layo na rin ang natatakbo ko. Hanggang sa mapadaan ako sa mga Carmela na bahay. Ito ang isa sa pinakamalaking bahay dito sa buong subdivision.

Nagtuloy tuloy nalang ako sa pagtakbo, halos naikot ko na yata ang buong Camella. Napadaan ako sa basketball court, muli ko siyang nakita. Ang lalaking nakilala ko kahapon, si Ezekiel at ang barkada niya na naglalaro ng basketball.

I can't win so I give in

The more I fight it just get's stronger

You're an inconvinient kind of satisfaction

Welcome distraction

Napatingin siya sa direksyon ko bago niya i'shoot ang bola, he winks at me. Tama ba ang nakita ko? Kinindatan niya ako? What the heck!

Iniwas ko nalang ang tingin ko at tumuloy na sa pagtakbo. Pero sa kamalas malasan, natapilok ako.

Welcome distraction... pagtatapos ng kanta. Hay Taylor Swift! Lahat nalang ng kanta mo para sa akin.

Ezekiel is a distraction! Uhg!

"Aww!" Napaupo nalang ako sa simento. Bakit ba kasi hindi ko napansin na pababa pala ito?

Kasi nga sa iba ka nakatingin. Ayan tuloy na-fall ka, sa simento nga lang at hindi ka niya sinalo. Nasaktan ka pa tuloy. Uhg! Fvck this konsensya!

"Aray! Ang sakit ah? Pa-fall ka kasing simento ka!" Sabay sipa ko sa simento.

"Kawawa naman 'yang simento, wala namang kasalanan." Napatingin ako sa nagsalita sa tagiliran ko.

Si..Ezekiel.

Lumapit siya sa akin at bumaba para magkalevel kami, umupo rin siya sa lapag sa harap ko at kinuha ang na-sprain kong paa. I hope this is not a serious sprain, paano pa ko makakapaglaro?

"Anong ginagawa mo?" Sabi ko ng hawakan niya iyon.

"Titingnan ko lang." Sabi niya at inikot ikot ang paa ko, "Hindi naman pala gaanong nainjured. Natapilok ka lang. Next time kasi titingnan mo ang dinadaanan mo hindi yung kung saan saan ka nakatingin." Natatawa niyang sabi at tumayo.

Nagulat ako ng ilahad niya ang kamay niya sa akin.

Pero tinanggihan ko iyon, ayoko nga. Mapride akong tao ano!

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon