Short update. Next chapter will be Zek's point of view.
*
Today is the day! Operation ko na ngayon, sayang din at ngayon ang start ng tournament, hindi ako makakapanood.
Kinakabahan ako para sa operation ko.. Kahit ba tulog ako o walang malay habang isinasagawa yung operation, natatakot pa rin ako. Mamaya sabihin nung doktor, hindi na ko pwedeng maglaro. Ayokong mangyari iyon.
"Ready na hija?" Tanong ng doktor sa akin.
Tumango ako bilang kasagutan, "Ipasok na sa operating room 'to. May kukuhanin lang ako sa clinic ko sa baba." Sabi ng doktor.
Bago ako pumasok ay tiningnan ko muna si Ate, Cathy at Elly. Sila ang kasama ko ngayon dahil hindi pa rin kami ayos ni Mama.
Inihiga na ako at tinurukan ng anesthesia kasabay ang pampatulog...
Zek's POV
Isang puntos lang ang lamang ng NSU sa amin. 1 minute nalang ang mayroon kami.
Ipinsa sa akin ang bola, agad akong binantayan nitong Kiel na 'to.
"Panalunin mo na kami pare. Na sayo naman na si Mia. Iyong iyo na. Mas panalo ka na kaya magpatalo na kayo sa laro na 'to." Pang iinis ko sa kanya.
"Sana nga ganoon lang kadali pare. Kaso hindi eh. Talo pa rin ako." Hindi ko na inintindi ang sinabi niya, imbis ay sinubukan kong i-3points, kaso sumablay kaya naagaw nila ang bola.
Anong nangyayari sa akin? Hindi ako ganito maglaro.
"Zek ano ba!" Sigaw sa akin ni coach.
Tumakbo ako para maagaw ang bola pero huli na, na-i-shoot ni Kiel.. 3points din iyon. Wala ng oras kaya sumurrender na kami. Wala na, talo na kami.
"Better luck next time pare." Tinapik pa niya ang likod ko. Fvck you Kiel! Fvck you as hell!
Dumiretso na kami sa dugout at nagshower na. Pagkalabas ko ay sermon ang inabot ko. Tang ina sila kaya ang maglaro?!
"Tara manood ng volleyball? Suportahan natin yung school. Panigurado green na green na naman yung gym at NSU ang sinusuportahan." Ani Jay.
Pagkarating namin sa gym ay umakyat kami sa may taas ng bleachers. Punong puno yung kabilang side kaya dito nalang kami sa green side.
"Pang ilang set na kaya?" Tanong ni Zak.
Nagtanong si Aaron sa mga babae sa harap namin. Yes we're still friends kahit nabulyawan ko siya noon. Hindi ko na inopen ang topic na yon at wala akong pakialam. "Pangatlo na po, Kuya. Last set na ng NSU." Sagot ng babae.
Tiningnan ko isa isa ang mga naglalaro sa loob ng court.. Bakit wala siya?
"Nasaan si Mia?" Tanong ni Jay. Nagkibit balikat nalang ako.. Ewan ko. Dalawang linggo na kong walang balita sa kanya.
Kumusta na kaya siya? Ano na kayang lagay niya? Damn! The hell I care! Manloloko yung babaeng yon!
"Kung andyan si Mia, hindi na aabot ng 2 digits ang score ng CMU. Nasaan nga ba siya?"
"Nandoon ako sa gym nung nangyari yung aksidente. Hindi makapag concentrate ng maayos si Mia kaya pinagalitan siya. Then after non, nakita nalang naming mga Mass com na nakahiga na siya sa sahig." Parang tumigil yung mundo ko nang marinig ko ang sinabi nung babae.
"Ano kayang nangyari?"
"Sa pagkakarinig ko, nadislocate yung buto niya. Sa ankle daw. Tapos ang alam ko, kaya hindi siya nakapanood ngayon dahil ngayon siya ooperahan."
"Kawawa naman. Ang galing pa naman niya maglaro. Sana next year makabalik siya."
Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa akin sa mga oras na 'to..
