Chapter 15

23 3 0
                                    

Nalaman kong nasa park si Kiel kaya sinabi ko iyon kay Zek at agad naman niya akong inihatid doon. Bumaba ako at nakita ko na nandoon nga si Kiel.

"Kiel.." Tawag ko sa kanya para malaman niyang andoon ako.

"Mia..paano mong nalaman na andito ako?" Napatayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.

"Nakalimutan mo i-off yung GPS ng phone mo." Natawa nalang siya.

Naupo kaming dalawa sa bench, "Sinong kasama mo?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa kotse sa gilid namin. Hindi na bumaba si Zek sa kotse, hihintayin nalang daw niya ako.

"Si Zek. Kaibigan ko." Sagot ko.

"Bakit mo pa ko pinuntahan?" Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"Bawal ka bang kamustahin? Kaibigan kita, kaya mahalaga ka sa akin." Panatag kong wika.

Kaibigan.. Kaibigan nalang talaga ang tingin ko sa kanya ngayon eh.

"Mia..wala na ba talaga?" Nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya.

"Kalimutan na natin yung Kiel. Ang tagal na panahon na ang nakalipas, let's start over again, not lovers but friends." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mata niya.

"Wag mo kong iyakan, Kiel. I'm not worth your tears. You deserve someone better. Someone that worth your tears."

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita. "Sana nga ganon kadali, Mia. Kaso hindi, mahal kita eh. Sobra. Sorry sa nagawa ko dati, sana mapatawad mo ako."

"Sshhhhh. Napatawad na kita, matagal na. Kaya ikaw, kailangan mo ring matutunan na patawarin ang sarili mo." Pagpapakalma ko sa kanya.

Ngayon ko lang nakita yung side ni Kiel na ganito. Noon kasi, yung Kiel lang na palaging jolly, joker, matapang. At hindi yung ganito.

"Siya ba?" Napatingin siya sa kotse sa gilid namin. Naaninag kong may kausap si Zek sa phone, malamang ay si Serina iyon.

"Hindi ko alam, Kiel. Hindi ko maintindihan kung ano nga ba siya dito." Itinuro ko ang tapat ng puso ko.

"Ang swerte niya. Sana pahalagahan ka niya, Mia. Hindi kagaya ko." Napayuko siya pero itinaas ko rin ang mukha niya.

"Wag mong sabihin yan, Kiel. Ikaw ang unang lalaki na nagpahalaga sa akin. Hanggang ngayon naman diba?"

"Thank you, Mia. I owe you a lot. Kapag sinaktan ka niya, andito lang ako. Friends?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Bestfriends."

I think, this is enough for the two of us. Baka talagang pare dito lang kami.

Nakita kong lumabas si Zek ng kotse at nakatingin siya sa gawi namin.

"Hinihintay ka na niya." Ani Kiel.

"Mag iingat ka palagi, Kiel." Hinapit ko siya palapit sa akin at niyakap siya.

Makalipas ang mahabang panahon, nayakap ko ulit siya. Pero bilang kaibigan nalang talaga.

"Andito lang ako para sayo, Mia. Hinding hindi na ulit ako mawawala. Call me if you need anything." Bumitaw na ako sa pagkakayakap at tumayo na.

Lumapit na ako kay Zek na nakatingin pa rin kay Kiel.

"Uwi na tayo." Tawag ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin, imbis ay sumakay na siya ng kotse kaya sumunod na rin ako.

Tahimik lang kami sa byahe, walang ibig magsalita. Hindi pa siya magsasalita kung hindi tumawag si Serina.

"I'm on my way home. Why? Ahh, good. Later? Okay okay. Free naman ako, as always. Hahaha! Okay see you later then. Bye." Ibinaba niya ang phone tsaka ulit itinuon ang tingin sa daan.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon