Mia's POV
Kahit pala wala ako halos walang kawalan sa team. Ang galing nila.
Naipanalo na nila yung last two games. So pasok na kami..sila I mean, pasok na sila sa finals
"Good job, ladies!" Ani Coach sa kanila nang makapasok kami ng dugout.
"Andyan yung inspirasyon namin eh.. Diba Mia?" Napangiti naman ako sa sinabi ni Ate Aileen.
Mga nagsipagbihis na muna sila nang makapanood pa ng ibang game. Speaking of other games, pasok na rin pala sa finals ang basketball namin.
Sana ay kami ang mag over all champion. Ni hindi ko man lang naranasan ngayong taon 'to. Di bale, may two years pa naman ako at sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang ganitong insidente.
"Kumusta ka na?" Si Kiel.
"Mabuti naman na. Ikaw? Balita ko pasok kayo sa finals." Sabi ko sa kanya. Nakaupo kami dito sa may bench sa labas ng gym. Hinihintay ko lang ang mga teammates ko.
"Oo. Tinalo ko yung gagong Zek na yon. Masyadong pinepersonal eh!" Aniya.
"Paanong pinepersonal?" Nacurious naman ako doon.
"Sabi ba naman sa akin na ipatalo ko na yung game dahil nakuha naman na raw kita. Gago talaga yun ano?"
Ganon nalang ba talaga yon? Ganon na ba talaga siya? Hindi niya man lang nalaman ang rason kung bakit kami magkasama ni Aaron.
Sa malamang nga ay hindi niya alam na ganito ang kondisyon ko ngayon. Ni anino niya hindi ko na nakita magmula noong new year.
"Una na ako, Mia. Sa isang araw na yung finals, magpapakondisyon na kami. Mag iingat ka ha." Ginulo niya ang buhok ko tsaka tumayo. Tinanguan ko naman siya bilang sagot.
Tumayo na ako pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa sahig..
"Naku sorry, miss. Nagmamadali kasi ako. Hinahabol ko kasi yung basketball player ng NSU eh. Pasensya na!" umalis siya sa harap ko at nagtatakbo.
"Aba wala kang modo, ate!" Ano ba yan! Aakma na akong tumayo nang narinig ko ang sigaw ni Aaron, kasama niya sina Jay at ang buong barkada nila.. maliban kay Zek.
"Mia okay ka lang? Bakit nakaupo ko sa sahig? May bench kaya oh?" Ani Aaron.
Binatukan siya ni Jay, "Ugok! Malamang binunggo nung babae kanina. Walang modo yung babaeng yon."
Tinulungan nila akong tumayo, "Sala--.."
"Andyan lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinaha--nap."
Parang tumigil ang mundo ko.. Si Zek. Nakita ko na siya. Diba dapat na akong tumalikod? Diba dapat naglalakad na ako palayo sa kanya?
"Tinulungan lang namin si Mia. Binunggo kasi nung mga fangirls nung Kiel na yon." ano daw? So ibig sabihin ay fan ni Kiel yung babae na yon?
"Ah ganon ba. So mukhang okay naman na siya, pwede na ba natin siyang iwan at umalis na tayo?" Ani Zek..
Oo, iniwan mo na nga ako eh, hindi ba?
"Oo, okay lang ako. Okay na ako. Pwede niyo na kong iwan at 'wag ng bumalik pa--este ano..aalis na ko." Uhg!
Tumalikod na ko at naglakad gamit ang mga saklay ko. Narinig ko rin ang pag yabag ng mga paa nila palayo.
Napalingon akong muli sa kanila, at nagtama ang mga mata namin ni Zek. Hindi na nagpapigil ang mga luha ko at kusa itong bumuhos. Tumalikod na lang ako at pinahid ang mga iyon.
Sana hindi niya ako nakitang umiiyak, dahil magmumukha akong kawawa. Dapat malakas ako, matapang ako, hindi ba? Kaya ko at kakayanin ko.
"Magiging okay din ako, Zek.. Gaya mo."
*
My journal entry:
Dear MES,
Bakit ganyan ka? Bakit parang okay lang sayo? Ibang iba ka na. Hindi na ikaw yung dating Zek na hindi kayang tiisin na makita akong umiiyak, diba sabi mo hindi ka mawawala sa tabi ko? Nasaan ka ngayon? Kailangan kita ngayon eh.. Ikaw ang lakas ko, pero wala. Iniwan mo lang din ako. Nangako ko diba? Nangako ka na hindi mo ako iiwan. Sana hindi ka nalang nangako, Zek. Umasa ko eh.. Nagmukha akong tanga.
"Mia, inumin mo na 'tong gamot mo." Sinara ko ang notebook nang pumasok si Ate.
"Sige Ate. Pakibaba nalang dyan."
Lumapit siya sa akin at tinabihan ako, "Nagsusulat ka na naman ba dyan? Akala ko ba titigilan mo na yan?" Aniya.
I took a deep sigh, "Dito ko nalang kasi kayang balikan ang lahat, Ate. Hanggang sulat nalang."
"Magpakatatag ka, Mia. Andito lang ako." yinakap niya ako bago lumabas ng kwarto.
Binuksan ko ang drawer sa mesang ito at doon ko nakita ang mga pictures namin ni Zek.
Lahat ng ito ay palihim kong kinukuhanan dahil ayaw niyang magpapicture.
Lahat ng pictures niya ay nakayuko o di ka kaya naman ay nakasideview at nakatalikod siya.
Balak kong gawin itong surpresa sa birthday niya.. Kaso lahat ng iyon ay naglaho lang ng parang bula.
"Kung itapon ko nalang kaya kayo?"
Pero nanghihinayang ako.. Hindi bale, itatago ko nalang ang lahat ng ito.