Zek's POV
Tang ina ano 'to? Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Mia? For pete's sake kakikilala ko palang siya 3 weeks ago.
Napasabunot nalang ako sa sarili ko.
"Hindi naman sukatan kung gaano na kahaba ang pagkakakilala mo sa isang tao para lang mahalin mo eh. Kung siya talaga ang para sayo, siya talaga." Napatingin ako sa boses na nanggaling sa tagiliran ko.
Siya yung matanda na nasa rooftop ng mall.
"Bakit ganon? Akala ko hindi ko siya gusto, pero bakit ganito ngayon? Nasasaktan ako." Para kong tanga. Nagpaloko na naman ako sa pag ibig na yan.
Hindi siya kumibo, imbis ay ngumiti lang siya sa akin.
"Binalaan na kita noom, hijo. Sabi ko nakita mo na siya.. Pero pinakinggan mo ba ako? Hindi ka pa nga naninawala. Sana ngayon ay gumawa ka na ng paraan para makuha ang gusto mo." Tumayo na siya at tumalikod na sa akin.
Ako? Gagawa ako ng paraan para makuha ang gusto ko? Of course. What Ezekiel wants, Ezekiel gets.
*
Mia's POV
Bakit ganon? Hindi ba pwedeng kapag nagmahal ka ay mahal ka rin ng taong yun? Bakit palagi nalang hindi balance? Bakit kailangan pa natin masaktan?
"Mia, tara na. Baka mahuli pa tayo." Agad kong itinago ang isinusulat ko.
Oo nga pala, ngayon ang unang araw ng pasok.
Isang linggo na ang nakalipas magmula ng huli kaming magkita ni Zek. Tinetext niya ako na kamusta na daw ako, pero iniignora ko nalang ang mga iyon para mabawasan ang nararamdaman ko para sa kanya.
*beep beep!
Napatingin kaming parehas ni Ate nang may bumusina sa likod namin.
It was him.
"Ihahatid ko na kayo." Alok niya sa amin.
"Si Mia nalang, may dadaanan pa ko eh. Salamat!" Iniwan na ako ni Ate na nakatayo. Saan naman siya pupunta?
"Sakay na Mia." Tawag niya sa akin.
Mia 'wag. Di ba nga iniiwasan mo siya?
Huli na nang maglakad ako palayo dahil nakita ko nalang ang sarili ko na buhat buhat niya gamit ang isang braso at isinakay ako sa kotse niya.
"Ano ba! Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo?" Singhal ko pagkasakay niya.
"Ano namang ikakaso mo sa akin? Harassment? Oh c'mon Mia! Okay naman tayo diba? Ikaw lang itong umiiwas sa akin." Ako? Umiiwas? Halata na ba?
Natahimik nalang ako at sumandal. Umayos ako ng pagkakaupo at itinuon ang sarili sa labas.
"Anong oras ang dismissal mo?" Tanong niya sa akin.
"Wala kang pakialam." Pagmamatigas ko. Kailangan kong paigtingin ang galit, ano ba.
"Oh the devil is back." Bumulong pa siya, rinig na rinig ko naman.
"Ano ba kasing pakialam mo? MWF ay 1:00 ang pasok ko at 5:00 ang. TTH naman 7:30 hanggang 12:00. Oka----" Oh my god! Nasabi ko ba? Sht lang ang tanga!
"Get it!" Bakit ba sobrang cool ng taong 'to?
Ngayon ko lang din na napansin na gwapo pala siya, mas maaliwalas ang mukha niya ngayon.
Teka nga! Bakit ko ba siya pinagpapantasyahan? Sa labas nalang ako tumingin imbis na ituon ko ang pansin sa kanya.
"Have a good day, Mia!" Aniya bago ako makababa ako ng kotse.
"Ikaw rin!" Sabi ko at lumabas na. Ibinalibag ko ang pagkakasara ang pintuan. Narinig ko pa siyang sumigaw, "Oh my god yung baby ko!" Natawa nalang ako.
You know what? He's so unpredictable. Ang bipolar niyang tao. Minsan okay kami, minsan masaya siyang kasama pero may time na hindi mo siya makasundo. Yung totoo, anong problema niya sa mundo?
"OMG bes! Buti ay kaklase ka ulit namin." Ani Cathy habang nagpapaypay. Ang init ngayon, hindi ba dapat ay tag ulan na ngayon?
"Sana may gwapo tayong kaklase ngayon." Sabi naman ni Elly habang kumakain. Ang takaw pa rin niya hanggang ngayon.
Ako naman, busy ako sa pagsusulat ng kung ano ano.
Posible nga kayang gusto ko na siya?
Tinitigan ko ang naisulat ko na iyon sa papel.
Nagulat ako nang hablutin iyon sa akin ni Cathy, "Sino naman ang maswerteng lalaki na 'to na nagpalambot ng puso ng isang ubid ng tigas?"
Inagaw naman iyon ni Elly sa kanya at binasa, "OMG bes! Sino 'to?"
Kinuha ko sa kanilang dalawa iyon at nilukot, "Wala. Joke lang 'to ano ba kayo." Umayos na lang ako sa pagkakaupo.
"Alam mo, ang love hindi dinedeny." Ani Cathy.
"Eh hindi pa nga kasi ako sigurado sa nararamdaman ko." Sagot ko na ikinagulat ko rin. Bat ko ba nasabi yon?
"Ayun naman pala. Eh siguraduhin mo nga muna bago ka magpadalos dalos ng desisyon." Ani Elly.
Sakto naman na dumating na ang professor namin sa psychology kaya umayos na kami sa kanya kanya naming upuan.
"Good morning. I'm Mr. Romniel Carlos but you can call me Sir Rom. Okay?" Pakilala niya.
Nag discuss nsman siya ng kaunti about psychology. Ang KJ ah? Unang araw palang discuss na agad.
4:30pm na ng mayari lahat ng klase ko, naglalakad na ako palabas ng school. Si Elly kasi ay studeng assistant kaya mamaya pa uuwi iyon. Si Cathy naman ay kasabay ang boyfriend niya. Oo, bago lang iyon.
"Mia!" Napatingin ako sa likod at nakita ko si Kiel na tumatakbo papunta sa akin.
Napahinto ako, "Oh? Bakit?"
"Wala. Pasabay ako palabas." Aniya at kinaladkad na ako sa paglalakad.
"Teka nga, nagmamadali ka ba? Napapagod na ko." Sabi ko at huminto muna.
"Sorry. Sige dahan dahan nalang." Binagalan nga niya ang paglalakad. Hay nako baliw na yata siya.
Natawa nalang ako. Di nagtagal ay nakalabas na kami.
"Sabay na ta--.."
*beep beep!
Napatingin kaming parehas sa bumusinang kotse sa harap namin. Bumaba siya sa kotse at nakatingin sa amin.
"Sundo mo?" tanong ni Kiel.
Tinanong niya kanina kung anong oras ang uwi ko, so ito na ba yun? Susunduin niya ko? Anong nangyayari sa mundo?
"Zek? Ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Masama ba? Diba gawain 'to ng manliligaw? So kaya ito."
WHAT?!
MANLILIGAW? ANO?! HINDI PA NAG SISINK IN SA UTAK KO.
"Manliligaw mo pala eh. Sige Mia. Una na ko! Ingat ka..kayo." Paalam ni Kiel.
Naiwan akong laglag ang panga dito hanggang ngayon.
"Baka pasukan ng langaw. Lika na, baka gabihin pa tayo." Isinara niya ang nakanganga ko palang bibig. Shet siya!
Bago pa siya makasakay ay nilapitan ko siya at piningot ang tenga, "What was that for?!" Singhal niya sa akin.
"Teka! Ako nga dapat ang magtanong niyan! What was that? Anong manliligaw? For your information hindi--.."
"Edi from now on manliligaw na ko. Tapos ang usapan."
Laglag na naman ang panga ko. Ano bang nangyari sa kanya? Anong nakain niya? Nakainom ba siya? Anong nangyayari sa mundo? Paki-explain naman please! Ipaintindi niyo sa akin!