This is the day! This is really is it, is it! Haha. Okay.
"Celine, 10 minutes before magstart ang game, are you ready?" Si coach. Jusko kung alam mo lang, coach.
"I'm nervous."
"Don't be, Celine. Okay, girls! Fix yourself! The game is about to start."
Sinuot ko na ang medyas ko, tatlong medyas ang suot ko para iwas pulikat, para malambot sa paa. Inayos ko na rin ang knee pads ko at nagsapatos na. Itinali ko lang ang buhok ko tsaka tumayo na.
Pumila na kami para makalabas ng dug out. Maganda pala ang CMU. Syempre, ano pa ba ang aasahan sa isang private school?
Kakayari lang ng basketball kanina, nauna ang game nila. Nanood pa nga ako eh. Syempre to support our school hindi para kay Zek. Magkalaban pa man din sila ni Kiel. Kaso, pinalad ang CMU kaya sila ang nanalo. Kaya nga babawian namin ang CMU eh. Kailangan manalo kami.
Nang makalabas kami sa dug out ay halos mapuno ng sigawan ang buong gym. Sa kabilang side ay kulay blue na nagrerepresent ng CMU, sa kabila naman ay kulay green at sa amin iyon.
Kanya kanyang pakulo. Kanya kanyang sigaw para sa mga idolo nila. Pinukaw ng mata ko ang isang banner mula sa side ng CMU. At alam ko na kung sino iyon.
Born to support you, Sarandade!
Iyan ang nakalagay sa banner niya, halos matawa ako habang nagwawarm up kami sa court. Sa kabila naman ay nakita ko si Elly at Cathy, kasama nila si Kiel.
Go Mia, Our Sexy Love!
Ang cocorny nila.
"Daming fans ah? Unang taon mo palang 'to. At tune up lang 'to. Paano pa kaya sa Palarong Pambansa?" Ani Ate Aileen habang nag ii-stretching kami. Nginitian ko nalang siya.
Ilang oras pa ay nagsimula na ang laro. First six din si Joy at nginitian niya ako.
"Jersey number 7, Mia Sarandade!"
Pumasok na ako sa loob at nagstart na rin ang game. Unang set, panalo kami 25-23 ang score. Ang galing nila. Second set panalo ulit kami, 25-18 naman. Third set, panalo ang CMU, 26-28. Last set na 'to at lamang kami ng isa. 23-22 ang score.
Serve nila, ako ang kumuha ng bola at ibinigay sa setter, binigay niya kay Ate Aileen ang bola. Pasok na, walang nakasagot.. Kaso, mali ang bagsak niya.. Na-sprain ang paa niya, hindi niya mailakad mabuti kaya nag timeout si coach.
"Aileen! Kaya ba? Wag ka ng maglaro." Ani coach. Kita sa mukha niya ang kagustuhan niyang maglaro.
"Pero coach isang point nalang oh."
"Kaya na ni Mia yan." Halos mabingi ako nang tumunog ang buzzer at signal na iyon ng tapos na ang timeout. Nabingi ako sa sigawan ng mga manunuod, ang iba ay sumisigaw para sa CMU at ang iba ay sa amin.
"Diyos ko, kayo na po ang bahala." Nagpunta na ako sa service deck para magserve. Nanginginig ako sa kaba.
"Sarandade to serve. Santos lifts it up, De Leon chooses Cruz. Off the block, save by Rivera, Latigay chooses Ramos. Ohh the ball is still alive. This is the longest rally of the match right? And there, Rivera to Latigay and Sarandade attacks, save by Santos and finally! Hindi na nakayanan i-save! So the North Shore University Green Spikers wins!" (Anouncer)
"Wooooooooooo!" Puno ng hiyawan ng buong gym at isinisigaw ang school namin. Of course, we won!
Nagform kami ng bilog sa loob ng court at nag-bow sa crowd bago makipagkamay sa kalaban.