Short update. Sabaw sabaw! :D
*
Hindi na mawala ang ngiti sa mukha ko.. Hindi ko alam kung bakit ganito, dahil ba sa lalaki kagabi?
"Hoy bes! Bakit ba ganyan ka? Para kang timang." Ani Elly.
"Bakit ba?" Nakangiti kong tanong sa kanila.
"Anong bakit ba? Eh pano naman 'yang ngiti mo abot hanggang tenga." Ani Cathy. Natawa nalang ako imbis na sumagot.
"Hala, baliw na nga!" Sigaw ni Elly.
Bakit kapag ang isang tao, umiiyak na mag-isa ay naaawa ka. Pero bakit kapag tumatawa mag-isa ay matatakot ka pa dahil parang baliw. Bakit? Ang gulo ng mundo!
*
"Mia, according to your answer.. Money can't buy everything." Sabi ng prof. ko sa Finance.
"Yes, Sir." Confident kong sagot.
"Why?"
"Money can't buy everything. Why? According to my research, money can bring you happiness. Yes that's right.. But it can be the root of all evil." Sabi ko at naupo na.
"Very well said, Mia. But without money, we're not able to buy a food to eat, clothes to wear. Gamitin natin ang pera sa tamang pamamaraan at hindi sa kasamaan. Okay class, let's move on to our next topic."
Nasa stage palang ako ng moving on kay Zek. Oo hanggang ngayon, hindi naman kasi ganon kabilis ang paglimot sa isang tao.
Pero paano namang mapapabilis ang paglimot ko kung bawat nakikita at nararanasan ko araw araw ay nagpapaala sa kanya? Yung simpleng paghatid sundo niya sa akin, yung simpleng sabay na paglakad naming dalawa, yung pagkukulitan.. Lahat nalang ng bagay ay siya ang naaalala ko. Kaya nga kapag may nakikita akong couple na ang sweet sweet, ewan ko ba. Hindi naman sa bitter, pero naiinis ako.
"Oh kanina lang ngingiti-ngiti ka dyan tapos ngayon magkasalubong na yung kilay mo." Ani Cathy.
"Eh pano naman yung mga couple na nasasalubong natin kulang nalang magkapalit na ng mukha!" Naiinis kong sabi. Nakakabwisit ba!
"Ay bitter?! Ganyan ka rin dati!" Pagsamo ni Elly.
"Hindi ako bitter! Akala mo kasi mauubusan ng lalaki yung iba eh!" Duh?! Ang dami kayang lalaki dyan.. Hindi lang si Zek!
Parang ganyan lang din ang sabi ko dati nung kay Kiel. Hindi lang siya ang lalaki.. Totoo naman. Marami dyan sa tabi tabi.
"Wag ka ngang pakialamera.. Inggit ka lang." Pang iinis ni Elly.
"Bakit ako maiinggit? Naranasan ko na yan, napagsawaan ko na nga." Natatawa kong sabi.
But deep inside, namimiss ko na siya ng sobra.
"Ay pinagsawaan? Nako ha.. Wag kang pa-virgin bes! May nangyari na ba sa inyo?" Tanong ni Cathy. Inirapan ko nalang sila imbis na sumagot.
Never, noh! Over my dead body! Hindi niya deserve 'tong maganda kong katawan kung isa siyang manloloko bwisit!