Ito ang unang araw ng christmas break namin. Pero ang trabaho ko ay tuloy lang dahil mas maraming customer sa ganitong panahon dahil malapit ng magpasko.
"Oh bakasyon, Mia. Saan ka pupunta?" Si Papa. Umuwi nga pala siya ngayon dahil bakasyon naman.
"Ahm. May training lang, Papa. Malapit na kasi yung tournament." Palusot ko.
"Oh sige. Umuwi ka ng maaga ha." Aniya. 7 hours lang naman ang trabaho ko ngayon dahil maraming empleyado ngayon.
"Opo!" Paalam ko at lumabas na ng bahay.
Sumakay kaagad ako ng jeep byaheng mall. Alas otso na pala. 8:30 pa naman ang pasok ko hanggang 4:30. Ayoko ng magpagabi dahil panigurado ay magpupumilit na naman si Zek na sunduin ako.
Kamusta naman kaming dalawa? Wala ganon pa rin. Makulit pa rin siya. Sanay na nga ako eh. Tuwing umaga nagtetext ng kung anu ano.
Rise and shine. Mas maganda ka pa sa umaga.
Oh diba? Buong buo ang araw ko nang dahil sa kanya. Nasimulan niya kasi kaya asahan mong maghapon na iyon.
"Good morning, Mia! Blooming tayo ngayon ah?" Bati ni Kuya Mikel, yung guard ng Kofee First.
"Naman, Kuya! Good vibes parati!" Bati ko.
Lahat din ng nakasalubong kong empleyado ay nginitian ko. Hindi naman halatang masaya ako ngayong araw ano? Well, araw araw naman talaga.
"Good morning, Boss!" Bati ko sa boss ko nang makita ko siyang papasok ng shop.
"Good morning, Mia. Good morning everyone. Magtrabaho na tayo." Aniya at pumasok na sa office niya.
Agad namang ibaligtad ni Kuya Mikel ang karatula sa pinto na kaninang 'Sorry We're Closed' ngayon naman ay 'We're now Open! Kofee first before anything else.'
Pamaya maya lang ay may mga nagsidatingan ng customer.
"Miss, one hot coffee lang ang iced coffee."
"Okay, Ma'am. Here's your table number. Thank you."
Nasanay na rin ako sa trabaho kong ito. Napamahal na rin ako kaya kahit palagi pa rin naming pinagtatalunan ito ni Zek ay hinayaan ko nalang siya. Bahala talaga siya ano!
Nag aayos ako ng mga cupcakes nang may customer na dumating, "Miss, isang Mia nga." Napatingin ako sa nagsalita sa harap ko.
What the?!!
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Anong ginagawa sa coffee shop?" Nakangisi pa si loko! Aish nang aasar talaga siya ah?
"Can I have your order, Sir?" Tanong ko. Ngingiti ngiti pa!
"One Mia. Yung unlimited para sa akin na forever." Putcha! Pigilan niyo ko! Napakacorny neto oo!
"Walang forever, Sir." Natatawa kong sabi.
"Patutunayan ko." Ayaw talaga magpatalo ng isang 'to eh ano? Nakakaasar!
"Seryoso nga. Ano ba kasing gusto mo?" Iritado kong tanong sa kanya.
"Ganyan mo ba kuhanin ang order ng mga customer niyo?" Aish ano ba! Inirapan ko nalang siya at inulit ko nalang ang sinabi ko.
"Ang sungit. Sige na nga. Isang Caramel Creme Cake with strawberry whip. Large. Keep the change." Inabot niya ang 200 bill at kinindatan pa ako bago tumalikod.
"Type ka non hano?" Ani Marco habang ginagawa yung frappe na inorder ni Zek.
"Kaibigan ko yon, pwede ba. Gawin mo na nga yan." Nakangisi kong sabi.
Tiningnan ko siya sa table niya at nakita kong may kausap lang siya sa cellphone. Wala kayang pasok yan? Ay oo nga pla! Bakasyon na nga pala. Tanga mo Mia!
"Oh tapos na. Ikaw na magserve." Pinagtulakan ako ni Marco papunta sa table ni Zek.
Umayos ako tsaka naglakad palapit sa kanya, kakababa lang niya ng cellphone niya nang makarating ako sa harap niya.
"Here's your frappe, Sir. Enjoy your drink." Inabot ko sa kanya ang frappe niya at kinuha niya naman iyon pero hindi niya binitawan ang kamay ko, "Yung kamay ko. Magtatrabaho pa ko." Sabi ko sa kanya.
"Ayokong nakikitang ngumingiti ka nang hindi ako ang dahilan. Gusto ko sa akin ka lang ngumingiti ng ganon. Upakan ko yung lalaking kausap mo eh." Aniya at binitawan ang kamay ko.
Si Marco kaya ang tinutukoy niya? Infairness ah? Nagseselos. Hay! Ang haba ng hair ah? Kakaloka.
Alas kwatro na ng hapon pero andito pa rin si Zek. Mukhang sinasadya pa na bagalan uminom ng frappe para magtagal.
"Kanina pa 'yang kaibigan mo dito ah? Halos apat na oras na. Kanina pa tingin nang tingin dito." Ani Marco.
Tiningnan ko si Zek na ngayo'y nakatingin sa akin at kay Marco. Nanlilisik ang mga tingin niya, akala mo mangangain.
Alas kwatro mahigit na at mag-a-out na ko. At andito pa rin yung ugok na yon. Napakatabang na siguro ng frappe niya. Kaninang kanina pa iyon ah?
"Una na ko." Paalam ko sa kanila at lumabas na ng shop. Dire-diretso ako palabas, hindi ko na siya pinansin pero ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.
"Teka nga! Ang bilis nitong maglakad." Hinablot niya yung braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Bakit ka ba kasi sumusunod?" Tanong ko sa kanya.
"Sabi kasi ng nanay ko, sundan ko anh pangarap ko. So that's why I'm following you." Kumindat pa siya. Putcha gusto kong humagalpak ng tawa!
Naihampas ko sa kanya ang hawak kong bag. Napaka-corny talaga nito kahit kailan!
Inakbayan niya ako habang naglalakad, "My sadist lover." Aniya. Parang nabasa ko na sa wattpad iyon ah?
"Uwi na nga tayo." Aya ko sa kanya.
Inihatid naman niya ako sa bahay nung araw na iyon. Ilang araw nalang ay pasko na, sana wag naman ng maudlot ang gagawin kong pagsagot sa kanya. Sana wala ng kontra. Sana wala ng humadlang. Kaya sa gagawin kong desisyon na ito, ihahanda ko na rin ang sarili kong masaktan.