Chapter 32

20 1 0
                                        

Warning: Sabaw ang update. Pasensya na. Bawi ako next chapter. STILL UNEDITED. HEHE. LOVE LOVE. :*









2 weeks had passed. Bukas na ang operation ko. Araw araw ako nagdadasal na sana maging successful iyon. Para rin naman sa akin yon eh.





"Bakit ba kasi pumunta ka pa? Dapat nag stay ka nalang sa bahay." Araw araw akong pinapa-alalahanan ni Kiel sa mga gamot ko, walang araw na lumipas na hindi siya nagtext sa akin.





"Gusto kong manood ng training. Tsaka kaya ko naman eh." Andito kasi ako ngayon sa gym at nanonood ng training nila. Dapat nandyan din ako eh.




"Masasakto yung game sa operation mo, pano ba yan? Baka hindi kita masamahan." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.





"Ganon ba? Okay lang. Basta galingan no ha?" Wala naman akong magagawa kung magmumukmok ako. Aba! Tournament 'yon ano?




"Para sayo ipapanalo ko yung game! Babawian ko yung Zek na yon!"




Natahimik ako.




Kamusta na kaya 'yon? Nagpasko't nag-bagong taon, wala man lang akong naging balita sa kanya. Actually nakita ko sila ni Serina.






Nung 25 ng umaga, nagbakasakali ako na nandoon siya sa ilog. Hindi ako nagkamali, naroon nga siya.. Tutuloy sana ako, kaso nakita ko si Serina, nagtago ako para hindi niya ko makita.






Lumapit siya kay Zek at hinalikan niya ang pisngi nito. Nung mga oras na 'yon, tila napiga na naman ang puso ko. Ang sakit palang panoorin ng taong mahal mo na may kasamang iba. Ang mas masakit pa, hinayaan mo lang na mapunta siya sa iba.







Nagkulang ba ko? Hindi naman diba? Ilang beses akong sumubok na mag-explain, pinakinggan ba niya ko?







Bakit kapag ako, at kailangan niyang mag explain, pinapakinggan ko.. Pero pag dating sakin, ni minsan hindi niya pinakinggan. Hindi naman tama yung ganon. Napaka-unfair niya eh. Palagi nalang siya yung iniintindi ko. Sana naman minsan, intindihin niya rin ako.







Pero hindi na mangyayari yon. Wala na siya eh. Iniwan na niya ko. Kinalimutan na niya ko. At kakalimutan ko na rin siya. Hindi naman pwede na siya lang ang makakalimot, dapat ako rin. Para fair.







"Kumusta na yung pakiramdam mo, Mia? Makakapaglaro ka na ba ulit?" Pabirong sabi ni Ate Aileen.








"Mas maganda kung magpapagaling ka muna. Dahil next year, pagkagraduate ni Aileen, malamang ay ikaw na ang maging team captain." Nagulat ako sa sinabi ni coach.







Never in my wildest dream, never talaga na sumagi sa isip ko na maging captain ng team.







"Huwag mo kong biruin ng ganyan coach. Baka mapabilis ang pagpapagaling ko neto." Natatawa kong sabi.







"Edi hindi ka makakapanood bukas?" Tanong ng iba kong ka-team.







Napailing ako, "Operation na bukas eh."

Kinakabahan nga ako, this is my first time, eh.







"Mas mabuti kung ganon, para makapaglaro ka na ulit. Pero wag mong pilitin, Mia. Unti-untiin mo lang." Paalala ni coach.








Bumalik na rin sila sa training at umuwi na rin ako. Mag aarkila nalang ako ng motor hanggang sa amin. Hindi ako pwedeng mag jeep nang ganito ang sitwasyon ko.








Habang naglalakad ako sa pathway ay ako rin ang naging usap-usapan ng mga ilang estudyante.








"Hindi ba siya ang star player? Paano tayong mananalo kung ganyan ang lagay niya?"

"Balita ko naman, bumalik na yung team captain."

"Ahh I see. Pero mas maganda kung kasali din siya."








Mag uusap nalang kalakas pa. Bigla tuloy akong naawa sa sarili ko. Kapag ba naman kasi umiral ang katangahan eh!








Pagkalabas ko ay sumakay na agad ako sa kakilala kong motor at nagpahatid na sa bahay.








*





"Akala ko ba okay na, Ma? Ano na naman 'to?!" Pagkapasok ko ng bahay ay iyan ang bumungad sa akin.







"Magkaibigan nalang kami nung tao!" Sigaw ni Mama kay Ate.








"Ano na naman yan? Hindi ka pa rin nadala, Ma? Talagang inulit pa? Hindi ko alam kung anong utak ang meron ka!" Hindi ko na napigilan na makisali sa bangayan nila.








Ang sumunod lang na pangyayaring nalaman ko ay ang nasampal ako ni Mama.









Okay, it's my fault. Pero wala akong pakialam. Galit pa rin ako sa kanya at hindi na mababago yon.








"Ganyan ba kitang pinalaki? Hindi naman diba!" Singhal niya sa akin.








"Kung gusto mong respetuhin ka, respetuhin mo rin yung pamilyang 'to!" Tumalikod na ako at umakyat sa taas.








Hindi ba niya maintindihan na mali ang ginagawa niya? Ang kitid naman ng utak niya kung ganon! Ewan ko ba, mula nung mangyari 'to, nag iba na ang tingin ko sa sarili kong ina. I'm starting to hate her, so much! I cannot stand as her daughter for now, not until he cannot stand as a mother to us.







Naaawa ako kay Papa, eh. Wala siyang ginawa kundi ang magpakahirap at makipagsapalaran sa buhay sa Maynila. Tapos ganyan lang igaganti niya? Hindi kami kunsintidorang anak gaya ng iba. Wala akong pakialam kahit umalis pa siya sa pamilyang 'to. Dahil magmula nang malaman ko iyon, parang nawalan na rin ako ng ina.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon