Chapter 9

31 3 0
                                    

"Oh, merienda muna kayo. Tapos naman na natin, bago man lang kayo makauwi may laman ang tiyan niyo." Natatawa kong sabi sa kanila. Andito naman kami ngayon sa katapat na bahay namin, malaki kasi ang puno kaya malilim. Sa dmuhan lang kami nakaupo.

"Salamat."

"Teka, sila Kuya yata iyon. Teka lang tatawagin ko lang." Ani Joy, nilapitan niya ang Kuya niya sa katabing bahay namin.

Lumapit sila kaya tumayo kami.

"Mia, meet my Kuya Zeki." Pakilala niya.

"Zeki ka dyan! Ezekiel ano?" Reklamo nitong lalaking 'to.

"Whatever." Sagot naman ni Joy.

"Hi, nice meeting you." Inilahad ko ang kamay ko, kunwari lang ito ano? Para lang walang masabi si Joy.

"Nice meeting you, too. Sungit." Tingnan mo 'to, nakikipaglilala na nga ng maayos.

"Tawagin mo na yung friends mo dito Kuya." Sabi ni Joy. Tinawag naman niya ang mga kaibigan niya at ipinakilala ulit sa akin.

They are nice, actually. Kaya pumayag na rin akong makasama namin.

"Kulang yata yung merienda, pasok lang ako saglit para makakuha." Paalam ko sa kanila.

Anong oras kaya uuwi sila Mama at Ate? Kasama pa si Ian, anong oras na tapos mukhang uulan pa.

"Di ka naman pala masungit!"

"Ay punyetang kabayo! Uhg! Ano ba 'wag ka ngang nanggugulat." Sabi ko sa kanya. Kay Ezekiel.

"Hindi kita ginulat ano?" Sabi pa niya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Andito kami ngayon sa kusina, nagtitimpla lang ako ng juice.

"Tutulungan na kita. Akin na nga yan." Aniya at kinuha ang tray na dala ko na may laman na juice.

"Wow ang bait mo naman. Tuluyan na tuloy akong nagkaroon ng utang na loob sayo." Nakangiti kong sabi. "Neknek mo! Kaya ko na 'to." Pahabol ko at tumalikod. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa reaksyon niya.

"Ang sungit talaga. Parang palagi kang may dalaw."

"Bastos ka ah!" Nakasimangot kong sabi.

"Joke lang. Ito naman, hindi mabiro."

"Lumabas ka na nga doon, Ezekiel." Utos ko sa kanya. Pero hindi niya iyon sinunod. Imbis ay kinuha niya ang tray at siya ang naglabas.

Mabait naman pala siya, hindi gaya ng inaasahan ko. Makulit lang. Masyado mo kasing pinangungunahan ang mga bagay, Mia.

*

Monday...

*kriiiiiing!

"Mia! Yung alarm clock mo kanina pa nagriring!" Nagising ako sa sigaw ni Ate at pinatay ang alarm clock.

Nag inat-inat muna ako bago tumayo.

Alas sais na akong tumayo at gumayak. Napagdesisyunan ko kasi na ngayon na magtry out para sa varsity. Kahit kasi bakasyon pa ay naghahanap na sila para sa tune up ng kabilang school.

Nagsuot lang ako ng black na cycling, ito ang uniform namin nung lumaban kami. Tsaka lang ako nag t-shirt na may tatak na apilyido at number sa likod.

Kumain muna ako ng tinapay at tsaka ako nag gatas para malakas.

"Ma, alis na ko." Paalam ko.

Nilakad ko lang palabas ng subdivision para pawisan ako.

*beep beep

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon