Zek's POV
Ang sakit para sa akin na iwan nalang siya ng ganon.. Mukhang uulan pa naman at kumukulog kanina.. Gabi pa naman at hindi pa siya ganoon kagaling dahil sa injury niya. Mamaya matapilok na naman 'yon. Alam niyo naman si Mia, may pagkalampa..
Tulad nung pangalawang beses ko siya g nakita, natapilok pa. If I know, tinitingnan lang niya ako.
Nang bumuhos ang ulan ay hindi ako nagdalawang isip na balikan siya sa clubhouse.. Pero pagbalik ko, may nauna na sa akin.
For the nth time, may nauna na naman sa akin.. Kailan ba ako mauuna kapag kailangan niya ng payong? Ng balikat na maiiyakan, ng tainga na handang makinig, ng dalawang braso na handa siyang yakapin at protektahan.. Kailan pa kaya?
Nung nakita kong pinayungan siya nung lalaki ay umalis na ako. Para saan pa ang pagbalik ko kung mayroon ng iba? Balewala lang.
*
"Hindi kami nagkamali ng nilipatang bahay, bro!" Ani Gian.. Pinsan ko 'to, yung mother namin ay magkapatid.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya. Andito kami ngayon sa basketball court, nag aya kasi siyang maglaro.
"I think I found her." Aniya.
"Bro walang forever." Pang aasar ko sa kanya.
"Dude wag kang bitter ano ba?!" Tinawanan ko nalang siya.
"Ipakilala mo naman sa akin yan!" Sabi ko sa kanya.
"Tsaka na dude! Baka agawan mo pa ko. But seriously, she's not my type. May na feel lang talaga akong kakaiba." Nakangisi niyang sabi.
Kwento lang siya nang kwento pero hindi ko naman na naiintindihan. Si Mia lang ang laman ng isip ko.. Naisip ko na naman kung gaano ako katanga para pagsalitaan siya ng masasakit na salita.
"Alis muna ko." Paalam ko sa kanya.
Agad akong sumakay ng kotse at nagmaneho papunta sa mall. Panigurado ay nasa Koffee First siya ng ganitong oras.
Kailangan ko siyang makausap, kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Alam kong hindi ganon kadali ang patawarin ako, pero handa akong mareject ng paulit paulit para lang sa kanya.
*
"Ano pong sa inyo..Sir?" Aniya. Ni hindi niya ako matingnan ng maayos, ang mapatawad pa kaya?
"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko.
"Nasa trabaho ako, tsaka wala tayong dapat pag usapan. Kung hindi ka oorder pwede ba na tumabi ka dahil maraming nakaabang." Sabi niya at iniwas ang tingin sa akin.
"Mia sandali lang naman oh!" Naririnig ko ang mga sinasabi ng mga nasa likod ko pero wala akong pakialam.
"Excuse me. Sir may problema po ba dito?" Singit ng isang lalaki na malamang ay ang boss nila.
"May nanggugulo po kasi dito, Sir." Ani Mia sa boss niya.
"Gusto ko lang sanang kausapin yung empleyado mo. Nagmamakaawa ako." Sabi ko. Nagmumukha na akong tanga rito pero ayaw pa rin niya akong kausapin.
"Sorry, Sir. Hindi pa kasi tapos ang duty ni Mia. Kung makakapaghintay po kayo, mamaya nalang."
"Handa akong maghintay. Kausapin mo lang ako, Mia. Please." Sabi ko at umalis na.
Handa kong gawin ang lahat para lang sa kanya, kahit pa magmukha akong tanga. Siya lang ang mahalaga. Siya lang.
Itutuloy...