Chapter 35

35 1 0
                                    

Zek's POV







"Kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Isang tawag mo lang andito kaagad ako sa tabi mo." Hinawakan ko ang kamay niya habang pinagmamasdan namin ang mga bitwin.







"Talaga ba? Mamaya bigla ka na lang mawala ng parang bula." Wika niya.







"Hinding hindi mangyayari iyon, Mia. Ako pa ba?" I winked at her then she laughed.







"Salamat ha? Akala ko wala ng susunod kay Kiel. Yun pala, mas hihigit ka pa sa kanya." Napatingin ako sa kanya, ang sarap naman sa pandinig non.







"So sasagutin mo na ko?" Ani ko.







"Sa pasko nga malalaman mo. Wag ka ngang makulit." She pinched my nose.









Nasa huli nga ang pagsisisi. Tama sila Zak.. Ang tanga tanga ko talaga, sobra!






"Kuya, tara na." Ani Joy.






Oo nga pala. Hindi pa pala tapos ang tournament. Dalawang panalo nalang namin ay pasok na kami sa finals. Pasok na ang NSU dahil wala pa silang talo pati sa volleyball.






Lumabas na kami ng bahay at sumakay na ng sasakyan. Hindi kasi kami pinayagan na mag stay sa quarter na tinutuluyan ng CMU.. You know, strict ang parents.







*



Nakakabinging sigawan ang narinig ko pagka-shoot ko ng bola. Sa wakas!







"Whhhoooooooo!" Sigawan ng teammates ko.







Isang laban na lang ang kailangan para makapasok kami sa finals..







"Good job, Santos!" Tinapik tapik ako ni coach.







Nang makapasok kami sa dugout ay agad kaming nagbihis. Mabilis kaming nagtungong magkakaibigan sa gym kung saan gaganapin ang volleyball.







Wala naman akong panonoorin doon, pero bakit dinadala ako ng mga paa ko patungo roon.







"Dun tayo sa side ng NSU. Pagkakaguluhan ako sa side ng ibang school." Biro ni Zak.







Umakyat kami sa itaas at kumuha ng magandang pwesto. Pamaya maya lang ay nagsisilabas na ang mga players sa dugout.







Umaasa ako na makikita ko siya kahit alam kong wala naman talaga siya.






Nakapila silang lumalabas. Hanggang sa Mapako ang tingin ko sa huling babae na nakasaklay.








"MIA! MIA! MIA!" Sigawan ng side ng NSU.








"Whoooooooooooooo! Sarandade!" Malamang ay ito ang mga basketball player nila dahil nakita kong katabi ng sumigaw si Kiel.








"Si Mia ba 'yon?" Tanong ni Aaron.








Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Naka saklay siya pero naka jersey din siya..just to support her team.








Bilib din ako sa babaeng 'yan. Gagawin lahat alang-alang sa mga pangarap niya. Magtitiis, kakayanin kahit mahirap.








"Ako ang nahihirapan sa sitwasyon niya. Bakit kaya nangyari sa kanya yan?" Narinig kong sabi ng katabi kong babae.







"Ang sabi ni Ate Aileen, friend kasi yun ng Ate ko na player din.. Palagi raw matamlay si Mia sa training. Parang broken yata kaya ganon." Sagot naman ng isang babae.








"Wala talagang maidudulot ang love na yan, ano? Masasaktan at masasaktan ka lang din. Bakit sadyang may mga lalaking nasisikmurang saktan ang nga babae?" Tinamaan naman ako..








Hindi ko na napigilan ang sumabad, "Baka naman kasi may nagawang kasalanan yung babae kaya ginawa iyon ng lalaki." Ani ko.








"Ay affected much, Kuya? Hay! Pero kahit na. Ang mga babae hindi sinasaktan."







Okay. Talo na ko. Panalo na siya. Palagi naman tama ang mga babae hindi ba?







Sige na. Ako na ang mali, kasalanan ko ang lahat.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon