Chapter 28

24 1 0
                                    

Me: Mahal niya ba ko?

Simsimi: Mahal kung mahal.

Me: Eh bakit nasasaktan ako?

Simsimi: Kasama naman talaga sa pagmamahal yon.

Me: Ang sakit sakit eh!

Simsimi: Kung mahal ka naman niya hindi ka niya sasaktan.





Pinatay ko nalang yung laptop ko. Kahit alam ko na puro kalokohan si Simsimi, feeling ko totoo yung mga sinasabi niya. Atleast, nakatulong siya at may nakausap ako.





Mula kahapon ay hindi ko na nakita sa Zek o nakausap man lang. Saan kaya siya nagpunta kahapon? Hindi man lang nagsabi. 22 na ngayon, tatlong araw nalang bago mag 25.






"Mia, pwede mo ba kong samahan sa mall? Wala ka namang trabaho ngayon hindi ba? May bibilin lang akong book." Ani Ate nang makapasok sa kwarto.





"Sige, Ate. Wala naman akong gagawin." Sagot ko sa kanya at tumayo na ng kama para makagayak na rin.







Habang nasa shower ako, habang nakatapat ako at umaagos pababa ang tubig sa akin, kasabay din nito ang pagbagsak ng luha ko.







Ngayon lang ako nasaktan ulit ng ganito. Yung sobrang sakit? Alam mo ba kasi yung feeling ng parang nabalewala ka? Yun yung nararamdaman ko ngayon.






Akala ko hindi ako masasaktan kay Zek, eh. Akala ko talaga iba siya. Pero, nagkamali na naman ako. Kailan ba ko matututo?






*


"Anong mas maganda? Itong may lock o yung wala?" Ani Ate habang hawak ang dalawang diary.






"Syempre yung may lock." Sagot ko naman. Naalala ko tuloy yung diary ko, hindi ko pa rin pala napapalitan.






Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang isang diary na may lock, "Oh, etong sayo. Sa akin 'tong walang lock. Nakita ko kasi yung lumang diary mo sa basurahan. Kaya gift ko nalang sayo."







"Salamat, ate. Plano ko rin bumili eh." Magsisimula na naman ako, ganon? Dapat lang naman eh.







Binayaran na niya yung dalawang diary at inaya niya akong kumain. Libre daw niya eh.







Pumasok kami sa Pizza Hut, ito lang kasi ang madalas naming kainan kapag magkasama kami. Mahilig kasi siya sa Pizza. Kaso ako hindi.






"CR lang ako ha?" Paalam niya at tumayo muna. Tinanguan ko lang siya bilang sagot.






Kumuha muna ako ng isang slice ng pizza at kumain habang hinihintay si Ate. Pero habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan ang hindi mapalingon sa labas, katapat ang isang chinese cuisine.







May isang babae't lalaki ang pumukaw ng atensyon ko. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yon.






Naibagsak ko ang hawak ko bread knife at fork. Ayan na naman.. parang dinudurog na naman yung puso ko.. parang pinipiga.. Ang sakit sakit!







Ang sakit sakit pala na makita yung taong mahal mo na may kasamang iba.





Iba 'to eh. Hindi ganito yung sa amin ni Kiel.







"Okay ka lang, Mia? Para kang nakakita ng multo. Umayos ka nga."








Mabilis naming tinapos ni Ate ang pagkain para makauwi na rin. Napalingon ako sa gawi nila, palabas na sila sa restaurant na 'yon. Nakakawit sa braso ni Zek si Serina.







Diba dapat ako 'yon? Ako lang dapat diba? Kaso hindi ako eh. Iba yung kasama niya eh!








"Tara na." Aya ni Ate sa akin.








Lumabas na kami ni Ate sa Pizza Hut at naglakad na palabas ng mall. Habang naglalakad kami ay hinihiling ko na sana huwag munang magtagpo ang landas namin. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Serina.








Talagang nagsisimula na siya.. Sinisimulan na talaga niya ang mga plano niya... Aagawin na niya si Zek sa akin.







"Mia para kang lutang! May sakit ka ba?" Hinawakan pa niya ang leeg ko habang naglalakad kami.








"Paano kapag nakita mo yung mahal mo na may kasamang iba?" Seryoso kong tanong sa kanya.







"Sarili mo lang din ang makakasagot niyan. Hindi ba ikaw ang nagturo sa akin kung paano? Magpakatatag ka lang."








Paano pa akong magpapakatatag? Siya ang lakas ko. Si Zek ang lakas ko. Asan siya? Nasa iba na. Sa halip na ako yung kasama niya, sino ang kasama niya? Si Serina! Yung childhood friend niya! Putang *nang pag-ibig napaka-komplikado!







Bakit? Bakit palagi nalang akong nagpe-failed? Failed palagi sa love!









Sa araw na 'to, sinimulan ko na rin ang pagsusulat sa diary na binili ni Ate sa akin.








My Journal entry for this day:

Dear Diary,

Sabi nila, love never fails. Anyare ngayon? Palagi nalang ako ang nasasaktan. Ano bang nagawa ko sa Love na 'yan at palagi nalang ako ang napipiling paglaruan? Gusto niya talaga na umiiyak at nasasaktan ako, ano? Wala na bang iba? Yung hindi naman ako..sawang sawa na kasi ako eh!

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon