Natapos na ang tournament and guess what? Nakakuha kami ng Gold. Basketball and Volleyball ang naka-gold while the others are bronze and silver but it is not a big deal, right? Over-all champion kami sa tournament ngayong taon. Kahit naka-crutches akong umakyat sa stage, okay lang. It doesn't matter.
"Congrats guys!" Ani ko sa team. Andito kami ngayon sa school para mag celebrate.
"Good job, girls! Next year ulit." Ani coach. Nakakatuwa dahil makakasali na ako ulit doon.
"Nakakalungkot lang dahil gagraduate na ako this year. Last na laro ko na pala 'to." pagsamo ni Ate Aileen.
Tinabihan ko siya, "Pwede ka pa naman naming makalaro kahit engineer ka na." Natatawa kong wika.
"Oo nga. Engineer Delos Reyes!" Natatawang sabi ng iba kong teammates.
"Aileen, this is not the end for your volleyball career. Malay mo, makuha ka rin na guest player sa ibang company na may league. Uso 'yon ngayon, hindi ba?" Ani coach. Sumangayon naman kami.
*
One week na ang nakalipas mula nung tournament. Ipinakilala rin kami sa school kahapon. Pumapasok na ako kahit may braces sa ankle ko. Nakakalakad naman ako kahit may nakapalibot na bakal sa paa ko. Para din naman sa akin 'to.
"Oh friend, kumusta naman na 'yang paa mo?" Tanong ni Elly. Andito kami ngayon sa library at naghahanap ng article tungkol sa mga hindi nagbabayad ng buwis.
"Maayos naman na. Naiilakad ko na nga eh. Baka next week tanggalin ko na 'tong brace." Sagot ko sa kanya.
"Mabuti naman. Nga pala, bes..ano kasi. Pwede ba kong manghingi ng favor?" Ani Elly nang makaupo kami.
"Oh ano 'yon?" Ngiti palang niya ay mukhang alam ko na ang ibig sabihin.
At hindi nga ako nagkamali, inilabas niya ang Statistics book namin at inilapag sa harap ko, "Anong gagawin ko dito? Meron din ako nyan." sabi ko.
"Alam ko naman bes! Eh kasi.."
"Oo na sige na. Pagkatapos ko dito." Pumalakpak naman ang tainga niya nang pumayag ako.
Hay nako! Ang mga estudyante talaga ngayon, kaya nga homework at sa bahay ginagawa at hindi sa school.
Pagkatapos kong gawin ang assignment ni Elly ay pumasok na kami sa room para sa history class namin.
"So what is history again?" Tanong ni Sir.
No one likes to answer the question so I volunteer, "Yes, Ms. Sarandade?"
"History is a story from the past." Matipid kong sagot.
"In your own opinion, Ms. Sarandade, why do we need to study History?" Tanong niyang muli.
"For me, this is the only way how to reminisce or go back to the past. Ito nalang po yung chance natin para alalahanin at balikan ang nakaraan." Wait...parang tinagalog ko lang?
"Yes, very good. So kung ikaw ba, gusto mo ba na balikan natin ang nakaraan mo?" Parang double meaning? Hay! Napaparanoid na naman ako.
"Literal na past ko, Sir?" Natatawa kong tanong.
"Yes. Would you like to share your past? Any experience..yung nasaktan ka. O kaya naman ay yung na-injured ka. It depends on you, Mia." Hala talagang ako ang pinuntirya?
I took a deep sigh, "Nasaktan ako. Oo. Pero noon. And past is past, Sir. May mga bagay kasi na hindi na dapat binabalikan. Then nung na-injured ako, masakit din. Pero parang mas masakit yung naunang sakit. Do you get my point?" Tanong ko sa mga kaklase ko na nakikinig lang sa akin.
"So if you were given the chance to go back to the past, what's the first thing would you like to do?"
"If I were given the chance to go back to the past, the first thing I'd like to do is to correct all the mistakes that I've done. Pero yung mga bagay lang na 'yon." Saan ko ba hinuhugot 'to?
"Bakit yun lang? How about the others?" Hindi ba matatapos ang tanong niya? Ako lang ba ang estudyante niya at puro ako nalang?
Pero wala rin akong nagawa kundi ang sumagot nalang, "May mga bagay po kasi na nagagawan pa ng paraan. Limitado lang ang mga bagay na 'yon.. May iba rin kasi na natapos na at kahit kailan ay hindi na maaaring mabago."
"Very well said, Mia. You may sit. Thanks for sharing about your past and by the way, I feel you." Nakangiting pagsamo ni Sir.
"Bes, yung totoo. Anong past 'yon? Ikaw ha." Wika ni Cathy pagkaupo ko.
"Sshh. Makinig na tayo." Ani ko.
What's past remains in past.