Chapter 24

15 3 0
                                    

Mugtong mugto ang mga mata ko pagkagising ko. Papasok na ako pero parang may hinihintay ako. Se Zek. Palagi niya akong hinahatid, sinasamahan niya ko sa training. Ilang araw na ang nakalipas mula nung nag away kami, gabi gabi akong umiiyak nang dahil doon.


Wala siyang paramdam kahit isang text man lang. Tinetext ko siya pero hindi naman siya sumasagot. Nagmukha lang akong tanga na naghihintay sa wala. Minsan nga naisip ko na kalimutan nalang siya eh. Pero hindi ko magawa kasi mahal ko siya.


"Sakay ba?" Hindi ko napansin na may jeep na pala sa harap ko. Sumakay na rin ako para hindi na ako tanghaliin.

Ang hirap manghula. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Magpapasko na eh, dapat sasagutin ko na siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam.

*


"Mia! Ano ba nangyayari sayo?!" Nagbalik ako sa reyalidad ng bulyawan ako ni Coach.


"Sorry po." Ano ba kasing nangyayari sa akin? Wala ako sa concentration nang dahil sa kanya.


"Sigurado ka bang okay ka lang? Parang wala kang gana eh. Kanina pa yan ha?!" Bakas sa mukha niya ang pagkagalit.


I took a deep sigh and go back to the court. Hindi dapat ako ganito. Mali ito eh.


"Game na po." Ibinuhos ko ang buong lakas ko sa training. Kinalimutan ko muna siya sa mga oras na iyon nang hindi makasagabal sa paglalaro ko. Sa January na ang start ng tournament kaya puspusan ang training namin.


Habang naglalaro kami ay tumunog ang speaker ng buong school. Dito naririnig ang mga announcement na ibig iparating sa lahat, "May I have your attention please. I would like to inform you that your afternoon classes are all cancelled. You may go home now, take care everybody! Thank you."


"Yes! Walang pasok!" Hiyawan ng buong team.

Hay salamat naman ng makapagpahinga ako. Next year ay puro saturday class lang kaming lahat na varsity dahil weekdays ang training namin at laro. Kaya mahihirapan akong mag-adjust.

"You may go!" Pinauwi na rin kami ni Coach nang makapagpahinga na rin kami.


Wala na rin naman akong pupuntahan kaya uuwi nalang ako. Parang ang lungkot ng buhay ko, hindi kagaya noong andyan siya.

"Bakit mag isa ka? Asan yung manliligaw mo?" Si Kiel. Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala siya at sinasabayan ako sa pagalalakad.


"Ahh, si Zek? Wala eh." Wala na iniwan na ako.

"Kung ako yung manliligaw mo, hindi kita hahayaan na mag isa." Sana nga Kiel ikaw nalang ulit eh. Sana ganon nalang kadali ang lahat.


"Nag away kami eh." Wika ko.


"Hindi pa kayo pero nag aaway na kayo. Hindi pa kayo pero iniiwan ka nalang niya. Paano pa kapag naging kayo?" Napatingin ako sa kanya. Oo nga.. Paano pa kaya? Yun ay kung magiging kami pa.

"Ewan ko. Ayoko munang isipin yan." Nagtuloy nalang ako sa paglalakad.


"Mahal mo talaga yun ano? Hindi ka naman ganyan dati eh." Nagbago ba talaga ako?


"Oo. Hindi nga niya alam eh." Sabi ko.


"Alam mo, ang swerte niya. Ang swerte niya dahil mahal mo siya. Sana nga ako nalang eh." Natatawa niyang sabi.


"Ewan ko sayo, Kiel." Kiel never fails to make me smile.

"Sige, dito nalang ako. Mag ingat ka ha?" Nginitian ko siya at sumakay na ng jeep pauwi.


Ganito nalang ang routine ko araw araw. Nakakasawa na. Ibang iba noong andyan siya sa tabi ko.


*bzzzzzt

Kinuha ko sa bag ko ang phone ko.

From Zek

Parang nagwawala ang puso ko nang makitang sa kanya galing ang text. Dali dali kong binuksan iyon.


Can we talk? If it is okay with you, meet me at the river.

Napakaseryoso naman ng text niya.


To Zek

Okay.

Pagkababa ko ng jeep ay agad na akong dumiretso sa ilog. Malayo layo rin ito sa subdivision. Buti ay naka rubber shoes lang ako na pinangtraining kanina. Hindi ko na natanggal ang mga muscle tape na nakadikit sa tuhod at hita ko.


Pagkadating ko doon ay nakita siyang nagbabato ng bato sa tubig.

"Zek.." Tawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya at lumapit sa akin, umupo siya sa damuhan kaya umupo na rin ako s tabi niya. Buti nalang at may malaking puno na nagsisilbing pang sangga namin sa init ng araw.


"I just wanna say sorry for what I've done. Nung iniwan kita nung gabi na yon sa mall. I know it's my fault." Aniya. Nakatingin pa rin siya ilog at hindi sa akin.

"Sorry din sa mga nasabi ko. Nadala lang ng emosyon." Sabi ko.

"So okay na tayo? Bati na tayo?" Nagkatinginan kami at tumango lang ako. Ngumiti naman siya at niyakap ako.


Damn I miss this! I miss him, so much.

Itutuloy...

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon