Mabilis na lumipas ang araw at Friday na. Nandito na ako ngayon sa school para sa training.
"Oh Mia. Wala pa ba sila?" Bati ni Ate Aileen nang makaupo sa tabi ko.
"Wala pa nga eh." Sagot ko, hindi na ako gumagamit ng 'po' kapag sila ang kausap ko. Sabi kasi nila nakakatanda daw.
"Tara munang mag exercise. Magpa-kondisyon na tayo." Aya niya tsaka tumayo sa court.
Sumunod na rin ako at nag unat-unat.
"Alam mo, last year natalo kami sa tournament." Aniya habang nagka-crunches.
"Ha? Bakit naman? Eh ang lakas niyo ah?" Sa lahat kasi ng school na kasali sa tournament ay kabilang ang school namin sa pinakamagaling, kung ganon bakit sila natalo?
"Magaling nga, oo. Nainjured si Shyra, yung captain ball namin dati. ACL at MCL injury ang natamo niya, plus, yung setter namin, hindi maigalaw mabuti ang braso. And the result was, we lose." Panghihinyang niya.
ACL at MCL ang pinaka-kinatatakutan ng lahat ng athlete. Halos isang taon kang hindi makakapaglaro dahil doon.
"Sa totoo lang, ikaw ang pumalit kay Shyra. Kasing lakas mo din yun." Aniya habang nag pupush-up.
"Sayang at hindi kami nag abot." Sagot ko.
"Last playing year na niya sana ngayon, kasing edad ko yun. Kaso ayun nga, injured eh. Kaya hindi na nakapaglaro. Graduating na kaming parehas." Paliwanag niya.
Tumayo siya at kinuha ang bola, "Tara munang mag one on one habang wala pa sila."
Tumayo rin ako at pumwesto sa tapat niya.
*
Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa paglalaro. Nang tingnan namin ang orasan ay 11:30 na.
"Wait lang. Tatawagan ko si coach." Aniya at kinuha ang cellphone.
Makahabol kaya ako sa game mamaya sa subdivision? Sana makaabot ako. Gusto ko rin kasing maglaro ng beach volleyball.
"What? We've waited for almost 3 hours and a half tapos wala naman palang traini--okay fine. Uuwi nalang kami. Okay bye."
"Anong sabi?" Tanong ko ng maibaba niya ang phone.
"Wala daw training ngayon. May meeting daw sila coach. Nagtext daw siya, wala naman akong nareceive." Padabog niyang nililigpit ang mga gamit niya.
"Wala naman akong natanggap." Sabi ko at kinuha ang bag.
Sayang lang ang pera ko, wala naman palang training.
Umuwi na rin kami nang malaman namin na wala naman palang training.
Nagmadali akong sumakay ng jeep para makahabol sa game ng subdivision. Katuwaan lang din, puro kabataan daw ang andoon sabi ni Joy. Kumbaga doon, magkakaibigan ang magkakasama.
"Bayad po! Sa kanto lang!" Muntik ko na namang makalimutan na magbayad, napakaulyanin ko talaga kahit kailan.
Tumakbo ako papasok sa gate ng subdivision.
"Mia kanina pa nagsisimula ang game!" Narinig ko pang sigaw ni Kuya Terry.
Malapit lapit lang naman iyon kaya binilisan ko ng tumakbo.
"Go Lea and Jin!" Narinig kong sigaw ng mga kabataan na nakapalibot doon.
Nakipagsiksikan ako hanggang sa makapunta sa harapan.
"Anong nangyari?" Tanong ko nang makita kong yineyelo ang ankle ni Joy.
"Natapilok kasi si Joy pagbagsak niya. Ayan, baka hindi makapaglaro. Si Shina naman nilalagnat. Kaya ako nalang mag isa." Paliwanag ni Tin.