[A/N: Special chapter ito for our new character, meet Marck Ezekiel Santos]
*
Maaga akong gumising dahil may usapan kaming magkakaibigan na magbabasketball kami ngayon.
Bumangon na ako at nagbihis ng jersey shorts at nagsando lang ako.
Lumabas na ako ng kwarto at sakto naman ang paglabas din ng kwarto ng kapatid kong si Joy.
"Oh Kuya? Jogging ka rin?" Obvious ba? Kutusan ko kaya 'tong kapatid kong 'to.
"Oo. Ikaw ba?" Balik tanong ko sa kanya.
"Obvious ba? Sabay na tayo." Aniya at lumabas na ng bahay. Sumunod na rin ako.
I'm Marck Ezekiel Santos. Incoming second year college na ko sa pasukan. Sa isang private school ako pumapasok, gustuhin ko man sa North Shore University, ayaw ng magulang ko, sabi nila, "I wont let that happen, papasok ka sa isang private school. Kahit gaano pa kaganda ang edukasyon sa North Shore na 'yon, hindi pwede." Kaya ang labas, sa Claremount ako napasok. Varsity ako doon ng basketball, sa second week of July nga daw, may tune up ang NSU at CMU, kami iyon. So ayun na nga, may kapatid ako, si Mary Joy, first year palang siya ngayong pasukan.
My parents? Business, business, business. Alam na agad, hindi ba?
"Kuya, sa volleyball court lang ako." Aniya at nauna na doon. Ako naman ay naghintay lang sa mga kasama ko. Naupo muna ako sa may bench sa gilid ng court.
"Mia. Mia ang pangalan ko." Damn that girl! Bakit hindi siya mawala wala sa isip ko? She's a simple girl, I think, 5"3' ang height, then ang hot niya! Kahapon nung unang kita ko sa kanya na naglilinis sa harap ng bahay nila, I can't take my eyes off of her. Damn she's one of a kind!
Ngayon lang ako naattract ng ganito sa babae, you know, ako dapat ang hinahabol ng mga babae, pero yung babaeng yun? Ang tigas niya pre! Mukhang hindi tinamaan ng charms ko? Biruin niyo yun? Ang gwapo---..
"Aga naman natin!" Fvck this man!
"Panira ka, Aaron! Nagmomoment yung tao!" Singhal ko sa kanya.
"Ano naman ang minomoment mo? Yung babaeng masungit kahapon?" Paano nya nalaman?
"How'd you know th--.."
"Edi tama nga ako. Hay Zeki, kilala na kita! Ilang taon na rin kitang nakitang ganyan dahil kay Crisia." Fvck it! Pinaalala na naman niya.
Crisia is my first love, second year high school nang makilala ko siya, then naging kami, pagkatapos iniwan niya ako nung malapit na kami grumaduate. One year ago nang sinaktan niya ko, pero wala na sa akin ngayon yun. I've already moved on. Dapat yung mga ganong tao ay kinakalimutan.
"Stop it. Nasaan na ba sila?" Tanong ko sa kanya. Sakto naman at nakita ko na sila.
"Sorry we're late." Sabi ni Wally. As usual, kailan ba sila hindi na-late.
"Wow naman pare, hiyang hiya ako sa 5:00am na usapan natin." Sabi ko at umiling iling nalang.
Naglaro na rin kami kaagad. Kaming magkakaibigan ay varsity sa Claremount. Mula high school ay magkakasama na kami. Matagal na kasi kami dito sa Camella, almost six years na rin.
Si Aaron at Wally ay taga Marvela. Maliit na model lang yun dito, para iyon sa maliliit lang na pamilya. Tapos si Zak ay taga Rina, sakto lang naman ang laki niya. Kami naman ni Jay ay taga Carmela. Yun ang malaking model dito. Ewan ko ba naman sa mga magulang ko at bakit iyon pa ang napili.
Sa kalagitnaan ng paglalaro namin ay natingin ako sa labas ng court, is that her? She's wearing a sleveless shirt, then cycling shorts? Seriously? Baka hindi makapagpigil ang makakakita sa kanya. Well, she's freakin' hot.